Leviste 'di na umaasang babalikan ni Kris, may bago nang dyowa?

Leviste hindi na umaasang babalikan ni Kris, may bago na rin bang dyowa?

Ervin Santiago - July 03, 2024 - 02:14 PM

Leviste hindi na umaasang babalikan ni Kris, may bago na ring dyowa?

Mark Leviste at Kris Aquino

KUNG may bago nang dyowa ngayon si Kris Aquino, mukhang naka-move on na rin nang bonggang-bongga ang ex-boyfriend niyang si Batangas Vice Governor Mark Leviste.

Mismong si Kris na ang nag-reveal na doktor daw ang bago niyang inspirasyon sa buhay at siyang nagpapaligaya ngayon sa kanya sa gitna ng pinagdaraanang health problems.

Ipinagdiinan pa ng Queen of All Media na hinding-hindi na siya makikipagbalikan kay Mark Leviste dahil hindi raw boto ang anak niyang si Bimby sa kanilang relasyon.

Baka Bet Mo: Kris unti-unti nang bumubuti ang kalusugan, hindi na sobrang payat; Mark Leviste naglabas ng ‘ebidensiya’

Ngunit may nakapagsabi sa amin na mukhang tanggap na rin ng bise gobernador na pinagtagpo lamang sila ni Kris pero hindi itinadhana para sa isa’t isa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ayon sa aming source, may napupusuan na rin daw ngayon ang public servant na matagal na rin nitong kakilala. Mula rin sa pamilya ng mga politiko ang girl at nagkakaintindihan daw sila sa maraming bagay.

Hindi lang kami sure kung nililigawan na ba siya ni VG Mark o sila na, basta ang sey ng aming source, happy din ang heart ngayon ng kilalang politician.

Samantala, naniniwala rin ang premyado at batikang showbiz columnist at online host na si Cristy Fermin na tanggap na ni VG Mark na wala na silang pag-asang magkabalikan ni Kris.

Sa nakaraang episode kasi ng “Cristy Ferminute”, sinagot ni Nanay Cristy ang isa nilang listener na nagkomento sa kanilang talakayan na umaasa pa rin daw si Mark na magiging sila uli ni Kris.

“Neng, hindi na. Tanggap na niya siguro ‘to. Tanggap na niya. Kaya lang parang gusto lang niya na i-save pa rin kahit paano ang kanyang imahe sa pangyayaring ito,” ang pahayag ni Nanay Cristy.

Baka Bet Mo: Kris ibinuking ang mga dahilan kung bakit naghiwalay sila ni Mark: ‘Nararamdaman kong hindi siya handa sa responsibilidad ng seryosong relasyon’

Sey pa ng beteranang kolumnista, ine-expect na niyang ibubuking ni Kris ang tungkol sa kanila ni VG Mark dahil hindi na raw ito bago kung ang pagiging diretso at taklesa ni Kris ang pag-uusapan lalo na sa usaping pag-ibig.

“Kung susuyurin po natin ang lahat ng pakikipagrelasyon ni Kris Aquino, aba naman e luma na po itong kantang ito. Sirang plaka na po ito kung tutuusin. Kaya hindi na bago ito,” sey ni Nanay Cristy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sabi ni Kris sa interview sa kanya ni Ogie Diaz, last year pa sila hiwalay ni Mark, “Yes, definitely walang balikang mangyayari, February, March, April, May, June pa July na tayo, so, magpa-five months na ‘yan. Ang tagal na nu’n Ogie.

“At para malaman ng tao, nagkalabuan na mula pa nu’ng November, sinubukang ayusin pero may mga nalaman ako na hindi ko gusto pero ayaw ko ng magsabi ng more than that despite of the reason, why part of the reason why it did not work ou because I’m at the stage in my life na mas gusto ko ng tahimik and the last post I had was back in May.

“I’d like to say na we’re still friendly but at a distance na. I kept quite because mas matindi ‘yung treatment na pinagdaanan ko recently and ayaw kong ibalita sa mga tao na hirap ako, pagod ako, why should I burden people when everybody has their own burden na kailangan lang malagpasan,” ani Kris.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tanong ni Ogie kung pumupunta pa rin si VG Mark para suyuin si Kris, “Kung sumusubok man sarado na ‘yung pinto. Gusto kong mag-move on and I think I have, it’s been 4 months or more by the time this airs. I wish him the best and I’m sure he wishes me well and I never confirmed publicly, sa kanya naman nanggaling lahat.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending