Kris hindi na babalikan si Mark Leviste, doktor ang bagong dyowa

Kris hindi na babalikan si Mark Leviste, doktor ang bagong dyowa

Reggee Bonoan - June 30, 2024 - 10:51 AM

Kris hindi na babalikan si Mark Leviste, doktor ang bagong dyowa?

Mark Leviste, Kris Aquino, Boy Abunda at Bimby

“HINDI sila nagkasundo nu’ng ex (boyfriend). Hindi niya (Bimb) gusto, eh,” ang nakangiting sabi ni Kris Aquino tungkol sa nakaraan niyang pakikipagrelasyon.

Sa panayam ni Ogie Diaz kay Kris at sa anak nitong si Bimby na in-upload sa kanyang YouTube channel kaninang madaling-araw, nagsalita nga ang TV host tungkol dito.

Isa pala si Bimb sa dahilan kung bakit nagtapos na ang on and off relationship ni a Kris at Batangas Vice Governor Mark Leviste.

Tumatawang tanong ni Bimb sa ina, “Are you saying that now mama? Okay mom, I’m trying to be polite.”

Baka Bet Mo: Joshua, Bimby lumipad na patungong Amerika, Kris nagpaiwan muna… bakit kaya?

Sagot naman ng mama ng binatilyo, “Yes, I’m telling the truth (hindi okay sina Bimb at Vice Gov. Mark). It matters to me because he (Bimb) knows me best.  Siya at si kuya (Josh), ‘yung opinion nila it really matters.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)


“Most people would say na dapat ‘yung mga anak ang sumunod sa magulang, pero sa akin kasi they’re always be there and alam ko na ang pagmamahal nila sa akin is pure.

“Nagsabi si Bimb, ‘mama, I don’t think you really love him, I think you’re just sad’ at tumatak ‘yun sa utak ko, and yeah it’s true,” aniya.

Buwan ng Nobyembre, 2023 ay nagkakalabuan na raw sina Kris at VG at tina-try naman nilang ayusin pero hindi na nangyari. At bago pa pala magdiwang ng kaarawan niya si Kris noong Pebrero ay totally hiwalay na sila.

Baka Bet Mo: Kris ayaw maranasan ni Bimby ang mawalan ng tatay kaya suportado ang pag-reach out ng anak kay James Yap

Si Bimb muna ang tinanong ni Ogie tungkol sa nagtapos na relasyon nina Kris at VG Mark at kung may pag-asa bang magkabalikan pa, dahil nga away-bati ang relasyon ng dalawa.

“Wala na sabi ng mom ko,” tumatawang sagot ng bunsong anak ni Kris.

“Bakit wala na dahil may bago na?” tanong ni Ogie.

“That’s up to mom to say, (voice over ni Kris na yes), puwede (tanong ni Bimb) yes meron,” sagot ng binatilyo kay Ogie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)


“Yes, he’s a very good guy (and) non-showbiz, medyo makulit lang but very good guy,” masayang sabi ni Bimb.

Hirit ni Kris, “Oh my God! I will join! He’s no makulit Bimb. Ako na ang sasagot Ogs to save my son.

“Yes, definitely walang balikang mangyayari, February, March, April, May, June pa July na tayo, so, magpa-five months na ‘yan. Ang tagal na nu’n Ogie.

“At para malaman ng tao, nagkalabuan na mula pa nu’ng November, sinubukang ayusin pero may mga nalaman ako na hindi ko gusto pero ayaw ko ng magsabi ng more than that despite of the reason, why part of the reason why it did not work ou because I’m at the stage in my life na mas gusto ko ng tahimik and the last post I had was back in May.

“I’d like to say na we’re still friendly but at a distance na. I kept quite because mas matindi ‘yung treatment na pinagdaanan ko recently and ayaw kong ibalita sa mga tao na hirap ako, pagod ako, why should I burden people when everybody has their own burden na kailangan lang malagpasan,” ani Kris.

Tanong ni Ogie kung pumupunta pa rin si VG Mark para suyuin si Kris, “Kung sumusubok man sarado na ‘yung pinto. Gusto kong mag-move on and I think I have, it’s been 4 months or more by the time this airs. I wish him the best and I’m sure he wishes me well and I never confirmed publicly, sa kanya naman nanggaling lahat.”

Pinasalamatan ni Kris ang lahat ng nanalangin para sa agaran niyang paggaling at inamin ding gumagaling siya pero may mga tinamaang blood vessels kaya kailangan daw niyang magpalakas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kasalukuyan ang nagpapasaya ng puso at inspirasyon daw ngayon ni Kris ay isang doktor na nandito sa Pilipinas at siya ang nagbigay ng assurance na magiging okay ang mama nina Josh at Bimb pagbalik niya ng bansa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending