Lovely Abella inalala kung paano siya natulungan ni Marian Rivera: Lagi kang kasama sa dasal ko | Bandera

Lovely Abella inalala kung paano siya natulungan ni Marian Rivera: Lagi kang kasama sa dasal ko

Therese Arceo |May 02,2022
facebook
share this

Lovely Abella inalala kung paano siya natulungan ni Marian Rivera: Lagi kang kasama sa dasal ko

Therese Arceo - May 02, 2022 - 12:50 PM

Lovely Abella inalala kung paano siya natulungan ni Marian Rivera

MULING binalikan ng Kapuso actress-comedienne na si Lovely Abella ang panahon kung saan natulungan siya ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang larawan nila ni Marian kalapit ang kwento ng pagtulong sa kanya ng asawa ni Dingdong.

Katatapos lang kasi ng guesting niya sa bagong sitcom ng mag-asawa kaya naman naisipan na niyang ikwento ang pagtulong ng Kapuso star five years ago kahit na ayaw itong ipasabi ng aktres.

“Kakatapos lang ng guesting ko sa bagong sitcom ni ate Yan (Marian) at kuya Dong (Dingdong) ang Jose and Maria’s Bonggang Villa kaya gusto ko lang ishare sa inyo ang KWENTONG TOTOO!” umpisa ni Lovely.

Aniya, noong mga panahong iyon ay hindi pa sila close ni Marian pero nang nalaman nito na nasa kritikal na lagay ang kanyang ina ay agad siya nitong tinulungan.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lovely Abella – Manalo (@lovelyabella_)

 

“Di ko makakalimutan ang napakagandang puso ng taong to, hindi kami kumakain ng sabay, di kami nagkakausap ng matagal pero noong panahon na nag 50/50 ang mamang ko, siya ang kauna unahang nagbigay ng tulong sakin. Pinaabot niya ang cheque at sabi sana gumaling ang Mama.Unexpected na galing sa kanya ang napakalaking halaga na yun,” pagpapatuloy ni Lovely.

Chika pa niya hindi lang maganda si Marian dahil maganda rin ang kalooban nito at tinatanaw niya bilang utang na loob ang ginawang pagtulong sa kanya ng aktres.

“Lagi ko sinasabi pag ako yumaman di ko kakalimutan ang mga taong tumulong sakin financially at emotionally. Di man materyal ang naisukli ko ate @marianrivera pero lagi kang kasama sa dasal ko at ang buong pamilya mo at isa na rito ang bagong show mo. Muli salamat ng marami, Mahal kita ate!” sey ni Lovely.

Lalo namang humanga ang mga netizens kay Marian matapos mabasa ang kwento ni Lovely.

“Napa iyak aku while I was reading.. Thank [you] Marian for being our inspiration.. Love you and God bless you po,” comment ng netizen.

Saad naman ng isa, “Ang sarap basahin ng caption❤️ Na sa kabila ng paninira ng iilan kay Marian may mga taong mas nakakakilala sa kanya ng lubos. Thank you Ms. Lovely for sharing. Mas lalo po namin sya hinangaan. More blessings din po sayo.”

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Lovely Abella nagpaka-Willie Revillame sa b-day party; nagpa-raffle ng brand new car

Benj tinawag na ‘best partner’ si Lovely: 7 years na tayo pero sobrang in love pa rin ako sa ‘yo

Lovely kay Benj: Binago ni Lord ang asawa ko…hindi na mainitin ang ulo, wala siyang reklamo sa kabila ng katamaran ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending