Lovely Abella nagpaka-Willie Revillame sa b-day party; nagpa-raffle ng brand new car | Bandera

Lovely Abella nagpaka-Willie Revillame sa b-day party; nagpa-raffle ng brand new car

Ervin Santiago |December 17,2021
facebook
share this

Lovely Abella nagpaka-Willie Revillame sa b-day party; nagpa-raffle ng brand new car

Ervin Santiago - December 17, 2021 - 12:37 PM

Lovely Abella at Benj Manalo

BONGGA! Nagpaka-Willie Revillame ang Kapuso actress na si Lovely Abella nang mag-celebrate siya ng birthday kamakailan kasama ang pamilya, mga empleyado at business partners.

Dating host at dancer ng “Wowowin” si Lovely at kung dati’y sayaw lang siya nang sa sayaw at talk nang talk sa game show ni Willie ngayon ay siya naman ang namimigay ng papremyo at tulong.

In fairness, hindi lang basta-basta pamimigay ng regalo ang pasorpresa ni Lovely sa kanyang 36th birthday last Dec. 11 — nagpa-raffle lang naman siya ng brand new car! 

Naganap ang bonggang party ng Kapuso star nitong nagdaang Linggo, Dec. 12, kung saan nakasama niya sa pag-e-entertain ng mga bisita ang asawang aktor na si Benj Manalo.

Ito na rin ang nagsilbing Christmas party para sa mga employees at business partners ng celebrity couple para sa pag-aari nilang business, ang Lovely Cosmetics.

At ang nanalo sa ipina-raffle na bagong car ay ang kapatid ni Benj na si Ai Manalo. Binati ni Lovely ang sister ng kanyang hubby sa pamamagitan ng Instagram.

View this post on Instagram

A post shared by Lovely Abella – Manalo (@lovelyabella_)


“Di ko makakalimutan ang gabing to, nag mala Kuya Willie ako kagabi at talagang pag itinadhana, ibibigay talaga ni LORD!

“Pinagdasal ko na Lord bigay mo ang kotse ko sa deserving na tao. And YES!!

“Pinakinggan niya ako si @ai.manalo ay kapatid ng asawa ko at kapatid ko na rin, Siya ang unang hiningan namin ng tulong nung nagsisimula kami sa aming Lovely Cosmetics dahil distributorship wala kaming idea sa encoding and all!!

“Siya ang kauna unahang nagtiwala samin, kahit may trabaho pa siya nun At sumama na sa kompanyang tinayo namin, at isa na din siya sa owner La Marca Jewelry! Kaya super Deserve!! Congrats! We love you so much (heart emoji),” ang mensahe pa ng komedyana sa kanyang sister-in-law.

Sa isa pa niyang IG post, nabanggit ni Lovely na hindi naging madali ang pag-abot sa kanyang mga pangarap, “35 years bago ko masasabing naachieve ko ang Goals ko na pinangarap ko nung bata ako, heto ang birthday na ang saya saya ko…

“Tuwing birthday ko lagi akong nagtatrabaho, 3 taon palang mula nung pandemic na nagbirthday ako na walang work, nung mga panahon na yun di ako nagpapaalam sabi ko BLESSING na may trabaho ako sa araw ng birthday ko, kaya tiniis ko ang mga araw na yun na di makapag celebrate.

“Totoo ang sipag at tiyaga pero kailangan may pananampalataya kay LORD at may partner ka na supportive sayo at may pamilyang umaalalay sa inyo.

“Naniniwala din ako na dapat napapalibutan ka ng mga positive na tao, pag may NEGA alisin mo na yan sa buhay mo, sagabal lang yan at yun ginawa ko,” dire-diretsong pahayag ng komedyana.

Ngunit sa huling bahagi ng kanyang post, ipinaalala ni Lovely sa publiko na ang tagumpay ng isang tao ay hindi nasusukat sa pagkakaroon ng mga mamahaling bagay o ari-arian.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Anyway mabalik tayo sa #hanashnilovely ang success ng isang tao hindi lang sa material, hindi lang sa kung ano ang narating mo kundi sa kabuuan as long as masaya ka yun ang IMPORTANTE,” pagbabahagi pa ng aktres na nagtagumpay sa buhay sa pamamagitan ng online selling.

Benj tinawag na ‘best partner’ si Lovely: 7 years na tayo pero sobrang in love pa rin ako sa ‘yo

Lovely, Benj nagpa-bless na ng dream house, nagpaagaw pa ng pera sa kamag-anak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending