Alex Gonzaga, Mikee Morada nagkatampuhan nang makunan ang aktres: ‘Hanggang dulo umaasa pa kasi ako…’ Bandera

Alex Gonzaga, Mikee Morada nagkatampuhan nang makunan ang aktres: ‘Hanggang dulo umaasa pa kasi ako…’

Pauline del Rosario |November 25,2022
share this

Alex Gonzaga, Mikee Morada nagkatampuhan nang makunan ang aktres: ‘Hanggang dulo umaasa pa kasi ako…’

Pauline del Rosario - November 25, 2022 - 02:53 PM
Alex Gonzaga, Mikee Morada nagkatampuhan nang makunan ang aktres: ‘Hanggang dulo umaasa pa kasi ako…’

PHOTO: Instagram/@cathygonzaga

NAGKAROON pala ng tampuhan ang mag-asawang Alex Gonzaga at Mikee Morada noong nakunan ang aktres sa first baby nila.

Ito ang inamin mismo ng dalawa sa podcast ni Alex na ibinandera sa YouTube nitong November 24.

Ayon kay Mikee, naramdaman kasi niya na ayaw pang magkaanak ni Alex kaya medyo sumama ang kanyang loob.

“Actually, sa totoo, sabihin namin ngayon na medyo nagkatampuhan kami ‘nung nalaman niya na pregnant siya. So hindi siya happy,” sey ng konsehal ng Lipa, Batangas.

Gayunpaman daw ay tinanggap nalang niya ito at inisip na hindi naman nila kontrolado ang sitwasyon.

Kwento ng mister ni Alex, “Pero ganun talaga e. So ang way of accepting ko naman ‘nung time na ‘yun, pinaramdam sayo ni Lord na magustuhan mo maging buntis pero hindi ka pa ready, so hindi pa binigay.

“So ‘yun ang way ko kung paano siya tinanggap kaya sa akin, ang pananaw ko naman ngayon, kung ano ang ipinagkaloob, kung magkaroon o hindi, okay lang,” aniya.

Dagdag pa niya, “Kasi hindi naman natin kontrol e. Tulad noon, andyan na tapos wala. So we don’t control it.”

Sinabi din ni Mikee na ang pinaka importante pa rin sa kanilang mag-asawa ay nandiyan sila para sa isa’t-isa.

“But importante sakin, we know we’re okay, masaya tayo and we have each other. ‘Yun naman ang marriage e,” ayon sa konsehal.

Pati si Alex naglabas din ng kanyang sama ng loob dahil tinulugan lang daw siya ng kanyang mister matapos siyang iraspa.

Kwento ng TV host-actress, “Ako with Mikee, to be honest, nagtampo ako sayo noon. ‘Nung time na we came from the hospital and then you just slept. Ang tagal ko sa CR, nagmumuni-muni ako tapos pagkita ko sayo, tulog ka tapos ayaw mo nang gumising, first time ‘yun.”

Patuloy pa ni Alex, “Natulog ka na tapos umalis ka nalang the next day tapos tinext mo ako ‘nun about doon and nagkaiyakan pa tayo.”

Paliwanag pa ng aktres na mukhang nagkaroon sila ng misunderstanding nang malaman nila na hindi na mabubuo ang kanilang baby.

Chika ni Alex, “Kaya hindi mo ako sinu-support kasi baka feeling mo, okay ako kasi that time na the doctor said sa trans vaginal na ‘okay, hindi na talaga mabubuo ‘yung baby, wala na talaga, mag-aantay nalang tayo na malaglag ‘yung sack,’ paglabas ‘nun, ‘yung coping mechanism ko kasi noon is ‘ay okay, so wala edi okay, ito naman talaga gusto ko eh.’”

Dagdag pa niya, “Si Mikee, ‘nung nalaman niya parang meron na siyang galit noon sa nurse kasi nung tinanong mo ‘yung nurse, ‘what happened, what happened?’, ‘alamin niyo nalang po’ feeling naman ng nurse na ‘yun ayaw pang sabihin sakin. Pero nung nakikita ko nun, Mikee is speaking out of frustrations and anger.”

Nilinaw naman ni Mikee na kaya naging ganun ang reaksyon niya ay dahil umaasa pa raw siya na magkakaroon pa rin sila ng baby ni Alex.

Sey ni Mikee, “Kasi namag-aasa ako eh. Alam mo, tatlong beses or apat na beses tayong nag ultrasound. ‘Yung una, sabi okay pa naman. ‘Yung pangalawa, wala pang laman pero medyo malaki so dapat by that time meron na.”

Dagdag pa niya, “May nakita ako na sabi ng doktor, wala na, pwede na alisin ‘yung sack tapos sabi pa bago siya iraspa, last try ultrasound, pagkita nila ay may baby. So hanggang sa dulo namag-aasa ako.”

Matatandaang noong Oktubre ng nakaraang taon nang ibinalita mismo ni Alex sa social media na siya’y nakunan dahil sa kondisyong anembryonic pregnancy na kung saan ay hindi nag-develop ang embryo sa kanyang sinapupunan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending