Alex Gonzaga bumwelta sa netizen na gustong gawing joke ang kanyang miscarriage Bandera

Alex Gonzaga bumwelta sa netizen na gustong gawing joke ang kanyang miscarriage

Therese Arceo |November 19,2022
share this

Alex Gonzaga bumwelta sa netizen na gustong gawing joke ang kanyang miscarriage

Therese Arceo - November 19, 2022 - 01:40 PM

Alex Gonzaga bumwelta sa netizen na gustong gawing joke ang kanyang miscarriage

ISANG taon na rin ang nakalilipas buhat nang makunan ang TV host-vlogger na si Alex Gonzaga sa sana’y first baby nila ng kanyang asawang si Mikee Morada.

Ngunit hanggang ngayon ay marami pa rin sa mga netizens ang pilit na nagbabalik at nang-uungkat sa isa sa mga masasakit na pinagdaanan ng bunsong kapatid ni Toni Gonzaga.

Sa kanyang Twitter account ay ni-retweet ni Alex ang post ng isang netizen patungkol sa kanyang dinanas last year.

Tila mahinahon naman ang naging sagot ng “Tropang LOL” host sa netizen at talagang in-encourage pa niya ito kung dito ito sasaya.

“The urge to make Alex Gonzaga miscarriage joke is irresistable,” saad ng netizen.

Sagot naman niya, “Pssst! Go lang if that will satisfy you I won’t mind. I’ll be the first one to laugh pa. You’re welcome.”

Bukod rito ay ibinahagi rin ni Alex ang screenshot ng kanyang tweet sa official Facebook page niya.

“OKAY LANG talaga kung san kayo masaya,” caption niya.

Umani naman ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens ang naturang post ni Alex.

“Pero OK LANG DIN na sabihin mo sa kanila na ‘nakakasakit na’, hindi sya biro at hindi pwedeng gawing biro,” saad ng kanyang follower.

Reply naman ni Alex, “I know kasi my truth so it doesn’t really affect me.”

“Char HAHAHA pa victim na naman HAHAHAHA tapos pag siya nag joke sasabihin you didnt get my joke hala ka,” banat naman ng isa.

Mukha namang maraming time si Alex at sinagot ito ng, “HA? Sinong pa-victim? Go nga gawin mo nga joke keri sakin!”

Makalipas ang ilang oras ay muli na namang nag-post ang TV host-vlogger sa kanyang Facebook account.

“Kapag may banat ka tingin mo COOL at havey naman wag mo idedelete. Panindingan mo kung di mo kaya wag mo nalang ipost at icomment. Hihinang nilalang naman oh,” sey ni Alex.

Hindi naman ito ang unang beses na natalakay o sinagot ng nakababatang Gonzaga ang paggawang katatawanan ng kanyang miscarriage.

Matatandaang noong Mayo ay isang netizen rin ang umungkat ng sensitibong pangyayari sa buhay ni Alex.

Related Chika:
Heart Evangelista ‘inisnab’ sina Vicki Belo at Alex Gonzaga sa Milan Fashion Week: ‘Ano ‘to Mars? Sa Manila magkakaibigan tayo!’

Kyla muli na namang nakunan: I can’t even put my feelings into words

Alex Gonzaga dinedma-dedma ng mga photog sa Milan Fashion Week 2022: Please, please! Pansinin n’yo na ‘ko guys!

Bianca King umaming natatakot sa pagbubuntis: There’s the fear of miscarriage, abnormalities and what could go wrong…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending