Isabelle Daza natawa sa chikang gumamit ng Ozempic sa pagpayat
IDINAAN na lang sa biro ng aktres na si Isabelle Daza ang mga kumakalat na chika patungkol sa kanyang pagpayat.
Matatandaang noong Miyerkules, March 19, bumisita si Isabelle sa noontime program na “Eat Bulaga” kung saan evident ang kanyang naging pagpayat.
Umani ng samu’t saring reaksyon ang naging weight loss journey ni Isabelle at kasabay nito ay ang pagkalat rin ng iba’t-ibang espekulasyon kung paano niya ito na-achieve.
Isa na nga rito ang chikang gumamit siya ng Ozempic, isang gamot para i-treat ang diabetes, para sa kanyang pagpayat.
Baka Bet Mo: Alex Gonzaga pinagtripan na naman ang asawang si Mikee Morada, banat ni Isabelle Daza: ‘Ang epal mo!
View this post on Instagram
Sa katunayan, ibinahagi pa nga ni Isabelle sa kanyang Instagram page ang reaksyon mula sa mga haka-haka ng madlang pipol.
“I’ve reached my goal weight = Ozempic accusations,” saad ng aktres na may grinning at flush face emoji.
May mga netizens naman na nagtanggol kay Isabelle at binanggit ang pagkakaroon nito ng active lifestyle.
“Can people stop assuming na naka-Ozempic agad ang isang tao kasi pumayat? Hindi ba pwedeng nagda-diet lang ‘yung tao at may active lifestyle?” saad ng isang netizen sa screenshot na ibinahagi niya.
Maging ang iba pant mga celebrities ay napa-comment sa kanyang post.
“My fav post hahaha,” saad ng kaibigan ni Isabelle na si Georgina Wilson.
Comment naman ni Drew Arellano, “OLEMPIC”.
Hindi lang sa pagwo-work out active si Isabelle dahil based sa kanyang mga social media updates ay naglalaro rin siya ng tennis at sumasali sa mga marathon.
Kamakailan lang nang sumali ito sa Tokyo Marathon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.