Isabelle Daza may P1-M na para sa inabusong kasambahay: ‘She will receive this donation personally’
SIGURADONG matutuwa ang tinutulungang kasambahay ng beauty queen-actress na si Isabelle Daza.
Kung maaalala, naglunsad si Isabelle ng fundraising campaign para sa domestic helper na si Elvie Vergara na nabulag ang dalawang mata matapos siyang pagmalupitan at abusuhin ng kanyang mga amo sa loob ng tatlong taon sa Occidental Mindoro.
Ang good news kasi, umabot na sa mahigit P1 million ang nalikom ng beauty queen kung saan ang target lamang niya ay nasa P300,000.
Ang update ay ibinandera mismo ng aktres sa kanyang Instagram Stories.
Kalakip niyan ay ang kanyang pagkatuwa sa mga mabubuting loob na nag-donate para kay Nanay Elvie.
“You guys have gone above and beyond. Wow,” sey ng aktres sa kanyang IG Story noong September 15.
Pangako pa niya, “I will make sure Elvie personally receives this donation.”
Ang donasyon para kay Nanay Elvie ay umabot na ng P1,009,219, as of September 17.
Magugunita noong September 8 nang mag-umpisang manawagan si Isabelle ng tulong-pinansyal para sa eye operation ni Nanay Elvie.
“I am raising funds for her to be able to live her life free from this abuse, without having to worry about what she will eat the next day or if she has enough money to live with basic needs like housing, food and medical assistance,” sey niya sa dating post.
Hanggang ngayon ay patuloy pa ring iniimbestigahan sa Senado ang nangyaring pang-aabuso kay Nanay Elvie.
Ayon sa mga balita, ang dating employers niya na sina France at Jerry Ruiz ay walang-awa at paulit-ulit umano siyang pinagsusuntok, sinipa at binugbog gamit ang iba’t-ibang bagay.
Kasalukuyan na ring tinitingnan kung isasailalim sa “witness protection program” si Nanay Elvie matapos atakihin ng isang gunman ang main witness sa ginagawang pang-aabuso umano sa kasambahay.
Related Chika:
Pura Luka Vega nanawagan ng donasyon, pinaghahandaan ang pagharap sa korte
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.