Life hugot ni Isabelle Daza na 'don’t go broke tryin’ to look rich' umani ng iba't ibang reaksyon: Walang basagan ng trip | Bandera

Life hugot ni Isabelle Daza na ‘don’t go broke tryin’ to look rich’ umani ng iba’t ibang reaksyon: Walang basagan ng trip

Ervin Santiago |January 31,2023
facebook
share this

Life hugot ni Isabelle Daza na ‘don’t go broke tryin’ to look rich’ umani ng iba’t ibang reaksyon: Walang basagan ng trip

Ervin Santiago - January 31, 2023 - 07:56 AM

Life hugot ni Isabelle Daza na 'don’t go broke tryin’ to look rich' umani ng iba't ibang reaksyon: Walang basagan ng trip

Isabelle Daza

MARAMING celebrities ang nag-react at sumang-ayon nang major-major sa “life hugot” ng TV host-actress na si Isabelle Daza.

Pak na pak sa madlang pipol ang viral na ngayong Instagram post ng anak ni Gloria Diaz na isa niyang paalala para sa sarili at sa lahat ng kanyang social media followers.

Nagbahagi si Isabelle ng isang photo na kuha sa pagbabakasyon niya sa sosyaling resort sa Amanpulo base na rin za lokasyong nakalagay sa kanyang IG post.

Aniya sa caption, “Note to self: Don’t go broke tryin’ to look rich.”

Siguradong maraming naka-relate at tinamaan sa maikli pero punumpuno ng kahulugang mensahe ni Isabelle.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Isabelle Daza (@isabelledaza)


Ilan sa mga nagkomento at humanga sa caption ng aktres ay ang ABS-CBN news anchor na si Karen Davila, Pia Guanio, at ang mga BFF niyang Georgina Wilson at Liz Uy.

Narito naman ang ilang comments ng netizens sa hugot ni Belle.

“Note to self: Don’t go broke. Period.”

“The caption is winner.”

“Why do you always have the best caption?”

“This is the reason why I follow you on social media. You have the best sense of humor! And so realistic at the same time seems so down to earth. I do not follow a lot of celebrities in the Philippines because of the opposite of what you’re saying.”

“A big Filipino trait that needs to be broken. Very good advice.”

“There’s nothing wrong about acting like a rich, problema mo ‘yan kung masaya ka sa buhay na nagmumukhang manang even if you can afford to makeover yourself.”

“Instead, go rich and try to look broke. Para walang uutang.”

“Puwede naman kasi na doon sila masaya sa ganu’ng lifestyle eh, hindi naman siguro nila hinihingi opinion ng iba para i-judge yung style ng pamumuhay nila. May kaniya-kaniya tayong laban sa buhay na pinipilit nating labanan ang anumang hamon, yung pagbili ng mamahaling bagay doon sila humuhugot ng lakas para sumaya, about utang it’s your fault kung nagpautang ka at di ka binayaran.”

“Pag-alaga ng high breed na aso kahit di naman talaga totoong mahilig sa aso magmukha lang mayaman. Haha but syempre wag na lang pakialaman buhay ng ibang tao. Tawanan na lang ‘yan.”

“Kanya kanyang diskarte lang yan sa buhay walang basagan ng trip.”

Isang mahabang comment naman ang iniwan ng netizen sa post ni Belle. Aniya, “Girl, u were rich since you were born. You were never financially unstable/broke/poor. Baka nga hindi ka pa nalaglag sa kanal. Kanya kanyang trip lang yan.

“But then again, para sau nga pala lang ung line. Curious lang ako anong meaning mo sa word na “broke”? So bago ka magsalita i pa experience mo muna sa sarili mo ung maging wla.

“Tira ka sa slums for 10 years kain ka pagpag everyday. tpos balik ka na lang kapag naranasan mo na ung totoong salitang HIRAP mas maiintindihan ko pa ung note to self mo. Sa ngaun tagu mo muna.”

Isabelle Daza gumanti kay Alex Gonzaga matapos tawaging ‘Marites’

Isabelle nanganak na sa ika-2 baby nila ni Adrien: Valentin, we are so happy you exist!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isabelle inulan ng batikos dahil sa suot na ‘vaccinated’ cap; insensitive at iresponsable raw

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending