Isabelle nanganak na sa ika-2 baby nila ni Adrien: Valentin, we are so happy you exist! | Bandera

Isabelle nanganak na sa ika-2 baby nila ni Adrien: Valentin, we are so happy you exist!

Reggee Bonoan |April 21,2021
facebook
share this

Isabelle nanganak na sa ika-2 baby nila ni Adrien: Valentin, we are so happy you exist!

Reggee Bonoan - April 21, 2021 - 03:25 PM

KUYA na ang three-year-old celebrity child na si Baltie Daza Semblat, ang panganay na anak nina Isabelle Daza at Adrien Semblat.

Isinilang na nitong nagdaang Abril 9, si Valentin sa Matilda International Hospital, Hong Kong, ang ikalawang anak ng mag-asawa.

Ipinost ni Adrien sa Instagram ang larawan ng kanyang mag-ina  ngayong araw at nilagyan ng caption na, “Welcome to this world Valentin!”

Ibinahagi rin ni Isabel ang nasabing litrato sa kanyang IG na may mensaheng, “Valentin, we are so happy you exist.”

Ikinasal sina Isabelle at Adrien noong Set. 10, 2016 sa San Francesco Church sa Tuscany, Italy na dinaluhan ng kanilang mga kaibigan sa showbiz kabilang na sina Anne Curtis, Erwan Heussaff, Bea Soriano, Solenn Heussaff, Georgina Wilson (pinsan ni Isabelle), Tim Yap, Rajo Laurel at marami pang iba.

Country manager ng Adidas Philippines si Adrien at ilang taon din silang nanirahan sa bansa ng pamilya niya hanggang sa nalipat siya ng Hongkong at sa kasalukuyan ay doon na sila naka-base ng pamilya.

Noong hindi pa kabuwanan ni Isabelle ay dumadalaw-dalaw naman sila sa Pilipinas.

Ito rin ang dahilan kung bakit hindi na rin totally tumanggap ng teleserye si Isabelle dahil gusto niyang tutukan ang mag-ama niya sa nasabing bansa lalo na ngayong may bago na silang baby.

Anyway, bumuhos naman ng pagbati mula sa mga kilalang celebrity ang pag-welcome nina Adrien at Isabelle sa ikalawa nilang anak.

* * *

Bumalik na sa wakas ang pananampalataya ni Joy (Francine Diaz) pagkatapos magpakita ni Bro sa kanya sa ABS-CBN teleseryeng “Huwag Kang Mangamba,” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z at TV5.

Kasabay ng pagbabalik-loob ni Joy ay ang pagtanggap din niya ng misyon mula kay Bro na tulungan si Mira na ibalik ang paniniwala sa Diyos ng mga taga-Hermoso.

“Pagtibayin niyo ang samahan ninyo. Kakailanganin niyo ang isa’t isa. Kayo ang magiging tulay ng pagbabalik ng pananampalataya ng mga tao.

“Hindi magiging madali ang mga pagdadaanan niyo pero malalagpasan ninyo ang lahat kung magkasama at kung may matibay na pananampalataya,” bilin ni Bro kina Mira at Joy.

Habang sisimulan na ng dalawa ang kampanya nila para maipatayo ang simbahan sa Hermoso, abala naman ang faith healer na si Deborah (Eula Valdes) sa pagpapalago ng kanyang negosyo.

Lihim ding pinapahinto ni Deborah ang imbestigasyon sa isang kalansay na natagpuan sa Hermoso dahil ito ang hindi pa nakikilalang bangkay ng ina ni Joy na pinatay niya at ng kanyang kapatid ilang taon na ang nakakaraan.

Paano sisimulan nina Mira at Joy ang kanilang misyon nang magkasama? Mapahinto kaya ni Deborah ang imbestigasyon tungkol sa kalansay?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kumuha ng pag-asa at inspirasyon sa panonood ng “Huwag Kang Mangamba” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, WeTV, at iflix. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending