Isabelle Daza may fundraising campaign para sa ‘kasambahay’ na nabulag matapos maltratuhin ng amo
NANGANGALAP ngayon ng pinansyal na tulong sa pamamagitan ng inilunsad na fundraising campaign ang beauty queen-actress na si Isabelle Daza.
Ito ay para sa domestic helper na si Elvie Vergara na nabulag ang dalawang mata matapos siyang pinagmalupitan at abusuhin ng kanyang mga amo sa loob ng tatlong taon sa Occidental Mindoro.
Sa pamamagitan ng Instagram, nanawagan ng donasyon si Isabelle para sa isasagawang eye operation ni Nanay Elvie.
“[Elvie] Vergara is a domestic helper who has been allegedly physically, mentally and verbally abused by her employers so much that she has been blinded in both eyes,” kwento ng aktres sa IG.
Sey pa niya, “She is currently going to have an operation in one of her eyes to try to recover her sight, but the outcome is unsure.”
“I am raising funds for her to be able to live her life free from this abuse, without having to worry about what she will eat the next day or if she has enough money to live with basic needs like housing, food and medical assistance,” dagdag pa ni Isabelle.
Kasunod niyan ay pinasalamatan niya ang ilan sa mga nagbigay na ng tulong at kabilang na riyan ang kapwa-celebrities na sina Anne Curtis, Solenn Heussaff, Liz Uy, Iza Calzado at Alex Gonzaga.
As of this writing, nakalikom na si Isabelle ng mahigit P117,000 para sa 44-year-old na kasambahay.
Baka Bet Mo: Chito Miranda pumalag sa nagsabing ‘sayang’ ang fundraising campaign para kay Gab Chee Kee: Ang sama kasi nung dating
View this post on Instagram
Dahil sa naging initiative at kabutihang loob ng beauty queen ay umani siya ng mga papuri mula sa netizens.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:
“Salamat sa pag-care sa aming mga kasambahay, God bless you more [red heart emoji] Feeling ko ako din tinutulungan mo, proud kasambahay for 20 years plus.”
“I’m crying, thank you for stepping up. Be the voice. Salamat. This gesture will help her to recover and makamit ang hustisya. Go Miss Belle!”
“This is one of the things that influencers should do, using this platform and helping people who are in great need. Kudos Ms. @isabelledaza”
“Thank you belle for helping nanay [clapping hands emojis] you’re such a good person [happy face with hearts emojis].”
Hanggang ngayon ay patuloy pa ring iniimbestigahan sa Senado ang nangyaring pang-aabuso kay Nanay Elvie.
Ayon sa mga balita, ang dating employers niya na sina France at Jerry Ruiz ay walang-awa at paulit-ulit umano siyang pinagsusuntok, sinipa at binugbog gamit ang iba’t-ibang bagay.
Related Chika:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.