Michelle Dee naki-join sa fundraising project para sa mga miyembro ng LGBTQIA+; Catriona nakiisa rin sa Pride Month
BILANG pakikibahagi sa selebrasyon ng Pride Month sa buong mundo, naglunsad ang Kapuso actress-beauty queen na si Michelle Dee ng fundraising project para sa LGBTQIA+ community.
Isa si Michelle sa mga celebrity ally ng LGBTQIA+ group kahit noong wala pa siya sa showbiz kaya naisipan ng dalaga na makatulong sa mga nangangailangang organisasyon na kabilang sa “rainbow” community.
Sa kanyang Instagram post, inihayag nga ni Miss Universe Philippines Tourism 2022 ang pagsasagawa ng sarili niyang charity project para makalikom ng pera para ilang LGBTQIA+ organizations.
Nag-post ang Kapuso star sa IG ng ilan niyang sexy pictures suot ang special edition ng COS t-shirt. Nangako ang nasabing brand na magdo-donate sa napili nilang LGBTQIA+ organization mula sa kikitain ng kanilang produkto.
View this post on Instagram
Sa caption ng kanyang IG post, inimbitahan ni Michelle ang kanyang mga followers na silipin ang iba’t ibang design ng t-shirts sa website ng nasabing clothing brand at baka may magustuhan ang mga ito.
“To celebrate #pridemonth@cosstores has released special edition t-shirts in support of the community we all should love. 100% of the profits will be donated to specific LGBTQIA+ organizations too so be sure to check them out,” sabi ni Michelle.
Nauna rito, ibinandera rin ng Miss Universe Organization sa Instagram ang pagiging solid supporter ni Catriona Gray ng LGBTQIA+.
Ibinahagi nito ang litrato ni Catriona na may mga Pride flags bilang background kalakip ang mensahe ng beauty queen at TV host para sa lahat ng miyembro ng rainbow community.
“As Miss Universe, I was able to diversify my understanding by meeting people from LGBTQIA+ communities from multiple countries and cultures and hearing their stories.
“These experiences allowed me to become even more steadfast in my allyship,” ang mensahe ni Catriona.
“Happy #PrideMonth! At Miss Universe we embrace and celebrate diversity and inclusion. Throughout the month we will be featuring those who are a part of this organization’s LGBTQIA+ history,” ang pahayag naman ng Miss Universe Organization.
Bukod kina Michelle at Catriona, aktibung-aktibo rin si Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez sa kanyang mga adbokasiya bilang proud member ng LGBTQIA+ community.
https://bandera.inquirer.net/316971/pridemonth-herlene-budol-kylie-padilla-ibinandera-ang-suporta-at-pagsaludo-sa-lgbtqia
https://bandera.inquirer.net/286991/jake-zyrus-napiling-mag-perform-sa-nyc-pride-march-medyo-kinakabahan-kasi
https://bandera.inquirer.net/312436/bb-pilipinas-international-1994-alma-concepcion-pabor-sa-pagsali-ng-lgbtq-members-sa-mga-beauty-pageant
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.