Gloria Diaz nanindigan: Sa Miss Universe, dapat Miss Universe

Gloria Diaz nanindigan: Sa Miss Universe, dapat Miss Universe

Therese Arceo - February 28, 2024 - 06:32 PM

Gloria Diaz nanindigan: Sa Miss Universe, dapat Miss Universe

Gloria Diaz at Isabelle Daza

NANINDIGAN ang actress-beauty queen na si Gloria Diaz sa kanyang pananaw ukol na Miss Universe na dapat ay babae lamang ang sumali rito.

Sa kanyang guesting sa “Fast talk with Boy Abunda” kasama ang anak na si Isabelle Daza ay natanong siya kung ano ang kanyang take sa bagong rules na inilabas ng Miss Universe Organization para sa naturang international beauty pageant.

Saad ni Gloria, hindi pa rin nagbabago ang kanyang pananaw na dapat ay mga kababaihan lamang ang sumali sa naturang patimpalak.

“Basically, in ordinary words, kailangan transvestite, kailangan may Miss Transvestite Universe. Tomboy, Miss Tomboy Universe.

“Bakla, transgender, whatever, lahat ng politically correct, kanya-kanya. Sa Miss Universe, dapat Miss Universe,” pagbabahagi ni Gloria.

Aniya, iba na raw kasi ang panahon ngayon.

Baka Bet Mo: Gloria Diaz nanindigan na dapat may sariling beauty pageant ang transwomen

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Kasi ngayon, dyo-join ka isang beses, medyo natalo ka, makikita mo ang ilong mo, medyo pango, sige, gawin mong maayos. Maliit ang boobs, taasan mo boobs.

“Ako, open ako for other people. But not for me. Not for my daughter,” sey pa ni Gloria.

Natatawang naikuwento pa nga niya na minsan niyang sinabi kay Isabelle na sumali sa Miss Universe at kapag natalo ito ay iiskandaluhin niya ang mga tao.

Like mother, like daughter talaga dahil parehas ang paniniwala nina Gloria at Isabelle.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“There are some sort of barrier but, of course, inclusivity and equality, I’m all for that.

“I like what Caitlyn Jenner said before. She said that people mistake fighting for equality and fighting for fairness to be the same thing,” sey naman ng anak ni Gloria.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending