Kier Legaspi nag-effort din para sa sariling community pantry: ‘Sing For Hearts’ ng GMA aariba na
“GUMAWA nang mabuti habang may pagkakataon!” Ito ang paalala ng aktor na si Kier Legaspi sa lahat ng mga Pinoy ngayong patuloy pa rin ang banta ng pandemya.
Isa si Kier sa iilang mga celebrities na nag-effort nang bonggang-bongga para makapagpatayo rin ng community quarantine para sa mga nangangailangan nating kababayan.
Ipinost ni Kier sa kanyang Facebook page ang itinayo nilang pantry na punumpuno ng food supply na malaking tulong sa pang-araw-araw na pagkain ng kanilang mga kabarangay sa gitna ng COVID-19 pandemic.
“Gumawa nang mabuti habang may pagkakataon. Acts 20:35 – Lalo pang mapalad ang magbigay kaysa tumanggap,” mensahe ng kapatid ni Zoren Legaspi kalakip ang litrato ng kanyang community pantry.
“Sa kabila ng aking paggawa isang bagay ang alam ko. Ako’y isang aliping walang kabuluhan.
“To God be the Glory! Thank you wifey for supporting! #teamwork #husbandandwife,” pahayag pa ni Kier sa kanyang Facebook post.
Nauna nang nakiisa sa bayanihan project na community pantry ang mga local celebrities na sina Paolo Ballesteros, Pokwang, Gabbi Garcia at Angel Locsin.
* * *
Siguradong curious na ang manonood sa bagong singing competition with a twist ng GMA 7, ang “Sing For Hearts”.
Ito ay isang musical matchmaking contest na layuning mahanap ang next Kapuso singing duo.
Dito, wanted ang mga bagong singers na iidolohin ng mga Pinoy na kayang magpakilig gamit ang kanilang looks and voice.
Magsisilbing hosts naman ng show ang Kapuso couple na sina Mikael Daez at Megan Young with Mark Bautista, Rita Daniela, Ken Chan, and Kean Cipriano as judge.
Mapapanood na ang “Sing For Hearts” sa June 13. Para sa mga gustong sumali, bukas pa ang online audition hanggang April 30.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.