Kier Legaspi ipinapasa-Diyos na lang ang relasyon sa anak na si Dani Barretto: Open ang line ko, I’m just here | Bandera

Kier Legaspi ipinapasa-Diyos na lang ang relasyon sa anak na si Dani Barretto: Open ang line ko, I’m just here

Reggee Bonoan - October 27, 2023 - 06:07 PM

Kier Legaspi ipinapasa-Diyos na lang ang relasyon sa anak na si Dani Barretto: Open ang line ko, I’m just here

“I’M just here, if you need me. Ang relationship ko sa kanya, ipinasa-Diyos ko na lang,” ito ang bungad ni Kier Legaspi nang mapag-usapan ang anak na si Dani Barretto na ang tunay na pangalan ay Aynrand Danielle hango sa isang Russian Philisopher na si Ayn Rand.

Nakausap namin ang aktor sa post birthday party ng kasamahan namin sa trabaho na si Pilar Mateo sa Palm Grill Restaurant sa Morato, QC.

Matagal ng walang komunikasyon ang mag-amang Kier at Dani na labis na ipinagtataka ng aktor dahil sa pagkakatanda niya ay wala naman siyang atraso sa anak at kung mayroon man ay sabihin sa kanya o ipaalala sa kanya.

Nu’ng nagka-problema si Dani sa bahay nila ay sa ama siya tumakbo at nu’ng okay na ay biglang naputol na ulit ang pag-uusap nila.

Sa pagkakaalam pa ni Kier ay wala siyang pagkukulang sa anak dahil noong bata pa ay okay sila at kumpleto siya sa videos, mga larawan ng masasaya nilang alaala at hindi siya nagkulang sa financial support sa panahong nag-aaral pa ang anak.

Sa pagpapatuloy ng aktor, “open ang line ko, I’m just here. Ito naman talaga ang obligasyon ng magulang na mahalin ang anak kahit anong mangyari. And take note, vice-versa kahit naging masama (o) mabuti ang magulang mo rerespetuhin mo ‘yan, mamahalin mo ‘yan dahil kung wala ang magulang mo hindi kayo mabubuhay.”

Nabanggit pa ni Kier na labis ang pagpapasalamat niya kay Gretchen Barretto na tiyahin ni Dani dahil ipinagtanggol siya.

Baka Bet Mo: Hamon ni Kier Legaspi: Magpa-interview kaya ako para yung side ko naman ang marinig…game?

“I didn’t expect Gretchen to speak up and stand sa akin kasi ipinagtanggol niya ako, sabi ko nga talagang hindi ako pinabayaan ng Diyos. I’m really grateful for that sa ginawa ni Gretchen.

“Wala naman (kasing) nakakita ng mga sacrifice ko kung papaano ko minahal si Aynrand, kung paano ko siya inaruga wala naman nakakita, eh. Hanggang ngayon wala naman akong kakampi which is okay kasi ang tao paniniwalaan niya ang gusto niyang paniwalaan pero ang Diyos hindi ganu’n,” saad ni Kier.

Inamin din ni Kier na simula nang maghiwalay sila ng ina ng anak na si Marjorie Barretto ay hindi na sila nagkaroon ng tsansang magka-usap o anuman.

Bigla tuloy nagkaroon ng comparison na ang nangyari kay Kier ay ganito rin ang pinagdadaanan ni Dennis Padilla na hindi rin niya nakikita ang mga anak na sina Julia, Claudia at Leon kay Marjorie.

“Oo nga, eh, sabi ko isa ako sa taong makaka-relate kay Dennis. Hindi man 100% (pareho) ang pinagdaanan namin merong resemblance, so, ang masasabi ko kay Dennis, alam mo ang katotohanan at iyon ang importante.

“Basta always do the right thing, alam moa ng katotohanan, tama ang ginagawa mo, taas noo kang haharap sa tao at mayroon kang peace of mind and peace in your heart na ‘yun ang importante at always humingi ka ng tulong sa Diyos. Hanggang ngayon iyon lang naman ang ginagawa ko (nanalangin),” pahayag ng aktor.

Sa kasalukuyan ay 18 years nang magkasama sina Kier at ang non-showbiz wife niya na kilala sa mundong ginagalawan nito bilang entrepreneurship na ayaw banggitin ang pangalan at wala pa rin silang anak.

“Hindi kasi priority lalo na ang wife ko kasi she loves to travel, she loves working and then nakikita niya ‘yung ibang friends niya na may kids na, nag-iba na ang lifestyle siyempre hindi mon a magagawa ang gusto mo, sabi niya, ‘I’m okay without kids.’” Say ni Kier.

Pero kung bibigyan sila ng anak ay bukas palad nila itong tatanggapin at tinanong namin kung hindi ba nila naisip mag-asawa kung sino ang mag-aalaga sa kanila pagdating ng araw na matanda na sila.

“I’m sure maraming maga-aalaga sa amin,” napangiting sagot ni Kier.

Dalawa naman na raw ang anak niya isang younger kay Dani na hindi rin niya nakikita na dahil may sarili na rin itong buhay.

Samantala, namimili na lang ng project si Kier ngayon dahil aminadong hindi na niya kaya ang matitinding puyatan sa set dahil gusto rin niya ng sapat na pahinga at abala rin kasi siya sa food business nilang Taste of Joy na 30 years na at pag-aari ito ng magulang ng asawa at mayroon silang isang branch sa BGC at planong magtayo sa Quezon City.

“Puro kasi sa South makikita ang Taste of Joy kaya plano naming maglagay sa Quezon City kasi ‘yung unang branch namin sa Taguig. Puwede kang mag-dine in at delivery, sobrang sarap,” sabi pa ng aktor.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Kier Legaspi nag-effort din para sa sariling community pantry: ‘Sing For Hearts’ ng GMA aariba na

Kier Legaspi 7 taon hindi gumawa ng pelikula; binigyan uli ng pagkakataon ng Viva

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending