Asawa ni Dani Barretto may bwelta sa mga bashers: 'Nobody can break a happy home' | Bandera

Asawa ni Dani Barretto may bwelta sa mga bashers: ‘Nobody can break a happy home’

Therese Arceo |July 24,2021
facebook
share this

Asawa ni Dani Barretto may bwelta sa mga bashers: ‘Nobody can break a happy home’

Therese Arceo - July 24, 2021 - 11:05 AM

DEADMA lang sa mga mapanira at maintrigang netizens ang mag-asawang Dani Barretto at Xavi Panlilio.

Naging isa kasi sa mga maiinit na topic si Dani at ang ama nitong si Kier Legaspi matapos ang panayam nito sa YouTube channel ni Dra. Vicki Belo.

May mga sinabi kasi si Dani tungkol sa relasyon niya kasama ang ama na hindi na niya nakakausap o nakikita for 7 years.

Ayon sa anak ni Marjorie, nagkaroon sila ng away ng ama isang gabi at magmula noon, hindi na nila ito naayos.

Amin pa ng dalaga, sinubukan naman nitong mag-reach out sa ama. Sa katunayan, tumira pa nga raw siya ng tatlong buwan kasama ito.

Ayon pa sa kanya, hindi rin daw niya maalala na nag-celebrate siya ng birthday kasama ang ama.

Nag-react naman si Kier Legaspi at tila naghamon pa na magpapa-interview para malaman ang side niya at kung ano ang katotohanan.

Dito na naging mainit na topic ang dalawa at kamakailan nga lang, may mga litratong naglabasan kung saan makikita si Kier na karga-karga ang anak habang nag-cecelebrate ng 2nd birthday.

Mayroon ring mga litrato kung saan makikita si Dani na nasa harap ng kanyang birthday cake. Mayroon rin litrato ng actual cake kung saan nakasulat ang “Daniella at the Circus”.

Marami namang ang mga nag-comment tungkol sa issue ng dalawa kabilang na si Ogie Diaz.

Nakausap raw ni Ogie si Kier pati na rin ang maybahay nitong si Jen. Ayon pa dito, marami raw netizens na nagre-request na magpa-interview ang aktor kay Ogie para linawin ang mga isyu.

Bukas naman daw si Ogie kung gusto ni Kier na magpa-interview. Payo pa nga niya, kailangang mag-usap ng dalawa dahil at the end of the day, mag-ama pa rin ito.

Tila naman tahimik si Dani at masayang ini-enjoy ang oras kasama ang asawang si Xavi at anak nitong si Millie.

Sa katunayan, kababalik lang ng mga ito mula sa kanilang bakasyon sa Bohol.

Makikita sa Instagram post ni Dani kung gaano sila kasayang mag-anak sa pamamalagi nila sa Bohol.

“Anywhere with these two is Paradise. (heart emoticon) much needed family vacation!

“Millie was able to run, play, and swim all day. Xavi and I were able to relax and have our alone time too.

“Ahhhh it was everything!” pagbabahagi nito kasama ang mga cute photos nila habang nagbabakasyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dani Barretto-Panlilio (@danibarretto)

Tila may patutsada naman ang asawa nitong si Xavi sa mga taong patuloy na nang-iintriga sa kanila.

Nag-share rin ito sa kanyang Instagram ng mga larawan ni Dani at Millie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“People can try as hard as they want, bit nobody can break a happy home.

“For those who try to taint such a beautiful thing, I hope you find inner peace and love in this lifetime.

“I have a beautiful child, I have a beautiful wife, and I have a beautiful life. There’s so much to be thankful for!” saad nito sa nasabing post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Xavi (@xavipanlilio)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending