Kier Legaspi nagpakita ng suporta sa tambalang Lacson-Sotto, nagpapirma ng customized shoes
SUPORTADO ng aktor na si Kier Legazpi ang tambalang Ping Lacson at Tito Sotto na tumatakbo bilang pangulo at bise presidente ngayong ngayong 2022 elections.
Sa kanyang Facebook post noong April 28 ay ibinahagi ng aktor ang isang larawan kung saan kasama niya ang dalawang kandidato.
“Pinirmahan ni Pres. Ping Lacson at VP Vicente Tito Sotto ang aking customized adidas shoes. So grateful and happy!! Thank you po sa inyo!” saad ni Kier.
Hindi naman malinaw kung pinasadya bang ipagawa ng aktor ang sapatos na mula sa kilalang brand o kung bigay ito nina Ping at Tito. May nakasulat na “Lacson” at Sotto” naman ang bandang swelas ng sapatos.
Marami naman sa mga netizens ang napa-wow sa kanyang post.
“Nice one idol Kier Legaspi, don’t know if you remember me. We met a few times way back 90s sa heartbeat disco. Played billiards woth you. Remember you being very nice and down to Earth. God bless!” comment ng isang netizen.
Saad naman ng isa, “Ka-cute naman ni idol Kier Legaspi. Stay safe idol. God borss you po. Support ako sa inyong mga idol ko.”
Talaga namang kitang kita ang matatag na suporta ng aktor dahil present rin si Kier sa mga campaign rallies nina Ping at Sotto.
View this post on Instagram
Nang tignan namin ang Instagram ng aktor ay marami rin siyang ibinahaging larawan na tatak ng pagsuporta sa dalawa.
May post rin si Kier kasama si Iwa Moto na daughter-in-law ni Ping Lacson at Ciara Sotto na anak naman ni Tito Sotto.
Samantala, ang anak naman niyang si Dani Barretto ay nagpahayag ng pagsuporta sa kandidatura ng tambalang Leni Robredo at Kiko Pangilinan.
Sa katunayan ay nagkaroon pa ng house-to-house campaign si Marjorie Barretto, dating karelasyon ni Kier para iendorso sina Leni at Kiko.
Related Chika:
Kier Legaspi 7 taon hindi gumawa ng pelikula; binigyan uli ng pagkakataon ng Viva
Hamon ni Kier Legaspi: Magpa-interview kaya ako para yung side ko naman ang marinig…game?
Kier Legaspi nag-effort din para sa sariling community pantry: ‘Sing For Hearts’ ng GMA aariba na
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.