Pandi Mayor Enrico Roque, 2 iba pa inaresto dahil sa kasong rape

Pandi Mayor Enrico Roque, 2 iba pa inaresto dahil sa kasong rape

Ervin Santiago - December 18, 2024 - 02:00 PM

Pandi Mayor Enrico Roque, 2 iba pa inaresto dahil sa kasong rape

Trigger warning: Mention of rape

ARESTADO ang mayor ng Pandi, Bulacan na si Enrico Roque dahil sa kinakaharap na kasong rape, kagabi, December 17.

Sa operasyong isinagawa ng mga operatiba ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG), dinakip si Mayor Roque kasama ang dalawa pang indibidwal na sangkot din umano sa kaso ng panghahalay.

Nangyari ang pag-aresto sa alkalde habang nasa party na ginaganap sa pag-aari niyang resort na Amana Waterpark, base sa ulat ng pulisya.

Ayon kay Police Colonel Satur Ediong, director ng Bulacan Police Provincial Office, nakipag-ugnayan sa kanila ang NPD-District Special Operations Unit para sa pagsisilbi ng warrant of arrest kay Roque.

Baka Bet Mo: ‘May mukha pa kayang ihaharap si Phillip kay Enrico Roque?’

Ang naturang arrest warrant ay inisyu ni Judge Ma. Rowena Alejandria ng Regional Trial Court Caloocan Branch 121.

Sa ulat ng dzBB ngayong araw, December 18, bukod kay Roque, inaresto rin si Pandi councilor JonJon Roxas at isang nagngangalang Roel Raymundo na kasalukuyang nasa kustodiya pa rin ng NPD.

Sabi naman ni Metro Manila police chief PBGen. Anthony Aberin sa panayam ng ABS-CBN, “This operation is a strong reminder that no one is above the law.

“Our assurance is that NCRPO will pursue justice without fear or favor, ensuring accountability for everyone,” dagdag pa niya.

Mariin namang itinanggi ng kampo ni Mayor Roque ang akusasyon at sinabing gawa-gawa lamang ang kasong rape laban sa kanya at malinaw na ito’y “politically motivated.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Base sa report, naghain na ang legal counsel ni Roque ng “motion to quash the arrest warrant and information” dahil pawang kasinungalingan daw ang mga akusasyon laban sa kanya.

Bukod sa pagiging public servant, isa ring movie producer si Mayor Roque. Ilan sa mga nagawang pelikula ng pag-aari niyang CineKo Productions ay ang award-winning na “Family Matters” (2022) at “Family of Two” (2023).

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending