Lolit Solis tinawag na ‘lola’ si Bea Alonzo: Mas mukhang bata si Marian Rivera
MULI na namang binanatan ng kolumnista at talent manager na si Lolit Solis ang Kapuso star na si Bea Alonzo.
Sa kanyang Instagram post nitong Lunes, August 15 kung saan tinawag niya ang aktres bilang “Lola Bea”.
“Nakita ko na naman sa TV si Lola Bea Alonzo, Salve. At napansin ko na bakit mas mukhang bata si Marian Rivera na dalawa na ang anak, kesa kay Lola Bea Alonzo na wala pa,” umpisa ni Manay Lolit.
View this post on Instagram
At muli ngang inungkat ng kolumnista ang nangyaring “ghosting” kay Bea ng dati nitong dyowa na si Gerald Anderson.
“Hindi kaya ito ang dahilan kung bakit ghosting ni Gerald Anderson at pinili ang mas batang si Julia Barretto,” dagdag pa ni Manay Lolit.
Banat pa niya, wala pa man daw anak ang aktres ay mukha na agad itong lola.
“Imagine mo Salve at Gorgy, dalaga pa , wala pang anak, mukhang Lola na agad si Bea, di lalo na pag nag asawa at anak, magiging Super Lola Bea na siya,” chika ni Manay Lolit.
Hirit pa niya, “OMG, ayoko noh, ayaw ni Gerald. Hah hah, joke joke, huwag magalit lalo dagdag wrinkles hah hah, love you Bea Binene, hah hah.”
Hindi naman ito ang unang beses na patutsadahan ni Manay Lolit ang aktres sa mga sinusulat niya.
Sa katunayan, madalas ngang laman ng kanyang IG si Bea simula nang diumano’y ipagtanggal ng aktres ang pangalan niya sa pangalang ng nga iniimbitahang press para sa launching ng kanyang endorsement ng isang brand.
Ngunit kahit na ganoon ay namanatili namang walang pakialam si Bea at hindi pinapatulan ang mga hirit sa kanya ng kolumnista.
Related Chika:
Ogie Diaz nag-react sa isyu nina Lolit at Bea: Sa edad niyang ‘yun, nai-scratch pa ‘yung pangalan niya
Lolit Solis binanatan si Bea Alonzo, sinabing feeling ‘super mega star of all seasons’
Lolit Solis tinawag na ‘walang kwentang starlet’ si Ella Cruz
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.