Lolit Solis tinawag na 'walang kwentang starlet' si Ella Cruz | Bandera

Lolit Solis tinawag na ‘walang kwentang starlet’ si Ella Cruz

Therese Arceo |July 06,2022
facebook
share this

Lolit Solis tinawag na ‘walang kwentang starlet’ si Ella Cruz

Therese Arceo - July 06, 2022 - 08:17 PM

Lolit Solis tinawag na 'walang kwentang starlet' si Ella Cruz

WALANG preno ang talent manager at kolumnistang si Lolit Solis nang punahin ang aktres na si Ella Cruz hinggil sa pahayag nito ukol sa mga natutunan niya nang maging parte siya ng upcoming Viva film na “Maid in Malacañang”.

Sa kaniuang showbiz show na “Take it! Take it! Me Ganun!” kung saan kasama niya si Mr. Fu ay isa ang aktres sa kanilang mga naging topic dahil sa trending statement ng aktres.

Habang nag-uusap sila ni Mr. Fu ay hiningian si Lolit ng kanyang pahayag ukol sa trending “History is like chismis” statement ni Ella.

Alam mo bilib ako sa utak niya. Imaginin mo, isa siyang walang kakuwenta-kuwentang starlet, na ngayon ay pinag-uusapan na,” saad ng talent manager.

Dagdag pa ni Lolit, “Ang galing. Sinong makakaisip nun? Tinalbugan niya talaga lahat.”

Talaga raw na nagwagi si Ella at nakuha niyo ang atensyon ng lahat dahil sa kanyang nakakalokang statement ng pagkukumpara niya ng kasaysayan sa tsismis.

“Nag-react lahat. Kasi ‘di mo akalain na may isa pa lang bobita, ganito pala kabobong tao,” hirit pa ni Lolit.

Binati naman ng dalawa ang aktres dahil talaga namang nakuha ni Ella ang atensyon ng buong madlang pipol at patunay nga na magpahanggang ngayon ay usap-usapan pa rin ang aktres pati na rin ang mga taong nag-react sa kanyang pahayag.

Payo naman ng kasama ni Lolit na si Mr. Fu, “Basta Ella Cruz, alamin lang natin, ang history ay history, at ang chismis ay chisimis magkaiba yun. Kasi history ay based on facts, ang chismis, ito nagchi-chismisan tayo. Magkaiba ‘yun, hindi pwedeng magka-intertwine kaya ka nag-trending.”

Related Chika:
Lolit Solis tinalakan si Ai Ai: Isip isip kasi, gamitin ang utak

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ella Cruz basag na basag din kay Pokwang: Mabuti pang ibalik na kitang muli sa dagat ‘Nak…nakakatalino daw yun

Lolit Solis naiyak sa sulat ni Kris: I was so sad, talagang ipinagtapat niya ang pain na nadarama niya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending