James Yap 10 years nang hindi nakikita, nakakasama si Bimby

James Yap 10 years nang hindi nakikita, nakakasama si Bimby

Ervin Santiago - October 09, 2024 - 09:45 AM

James Yap 10 years nang hindi nakikita, nakakasama si Bimby

James Yap, Kris Aquino at Bimby

INAMIN ng PBA superstar na si James Yap na isang dekada na silang hindi nagkikita ng kanyang anak kay Kris Aquino na si Bimby.

Iyan ang rebelasyon ng professional basketball player sa panayam sa kanya ng media nang matanong tungkol kay Bimby na binatang-binata na ngayon.

Nakausap ng press si James matapos siyang maghain ng certificate of candidacy (CoC) kahapon, October 8, para sa pagtakbo niyang konsehal sa 1st District ng San Juan City.

Baka Bet Mo: Kris kay Duterte: Never ko siyang binanatan, kaya sa mga DDS, walang reason na maging magkaaway tayo

Unang natanong ang PBA star kung sino ang kasama niya sa pagpa-file ng CoC, “Actually, ako lang. ‘Yung sister ko kasi nanganak siya e. ‘Yung mga bata may pasok na eh, so ako lang muna.”

“Mga ‘Yapsters’ lang ang kasama ko so nandito sila para suportahan ako,” aniya pa.

Sundot na tanong sa kanya nang sabihing hindi rin niya nakasama sa filing ng CoC ang partner niyang si Michela Cazzola dahil sinundo ang mga anak nila sa school, kung nagkita na ba sila uli ng anak nila ni Kris na si Bimby.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by James Carlos Yap (@jamesyap18)


“Wala na, 10 years, so okay lang yun,” ang diretsahang sagot ni James.

Last year, nag-reconnect naman daw sila ng anak base sa isang panayam kay James, “I’m super happy to hear from Bimb after eight years. I’ve been praying for this day to come. Na-miss ko sobra si Bimb!”

Samantala, kung mananalo sa Eleksyon 2025, magsisilbi si James bilang councilor sa San Juan sa kanyang ikalawang termino sa ilalim ng partido ng kapwa niya basketball player na si Mayor Francis Zamora.

Sey ng Blackwater Bossing guard, magiging priority pa rin niya ngayon ang pagiging public servant, “Sa totoo lang, nahirapan talaga ako na ipagsabay yung basketball at politics.

“Nagsa-suffer talaga yung basketball ko. Ngayon focus ako sa politics, kausapin ko yung management.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ayaw ko naman na magso-show up ako sa basketball, mas gusto ko rin namang kondisyon ka. Eh, hindi ako nakapag-practice nang mabuti so kausapin ko muna yung management na talagang 110% na focus muna ako dito sa pagtakbo ko as councilor sa 2nd term,” sabi ni James sa panayam ng ABS-CBN.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending