James, Michela hiwalay na, 2 anak dinala sa Italy ng ina?

James Yap, Michela Cazzola hiwalay na, 2 anak dinala sa Italy ng ina?

Reggee Bonoan - July 09, 2024 - 08:27 AM

James Yap, Michela Cazzola hiwalay na, 2 anak dinala sa Italy ng ina?

James Yap at Michela Cazzola kasama ang 2 anak na sina MJ at Francesca

NABANGGIT ni Nanay Cristy Fermin sa “Showbiz Now Na” vlog nila nina Wendell Alvarez at Romel Chika na hiwalay na raw si San Juan councilor James Yap kay Michela Cazzola.

Bigla tuloy naming naalala ang ikinuwento ng aming source na hiwalay na nga raw ang dalawa at kasalukuyang nasa Italy si Michela kasama ang dalawa nilang anak ni James – sina MJ, 8, at Francesca, 6.

Kung bago lang naghiwalay sina James at Michela ay umabot naman sila ng higit sa 10 years na magkarelasyon dahil nagsimula yata ang relasyon nila noong 2012.

Baka Bet Mo: Leren Mae Bautista umalma sa tsismis sa kanila ni Ricci Rivero, fake news daw: ‘These claims have no basis in reality…’

Kapansin-pansin din na wala ng posts si James na kasama ang mag-iina niya, ang huling post na nakita namin sa Instagram na magkasama sila ni Michela at mga anak ay noon pang Abril, 2023.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by James Carlos Yap (@jamesyap18)


Pero binati naman ng basketbolista ang ina ng mga anak sa kaarawan nito noong Oktubre 27, 2023.

Baka Bet Mo: Albert Martinez ‘apakagwapo’ pa rin kahit senior citizen na; ‘The Iron Heart’ ni Richard magsu-shooting sa Italy

Nitong June 27 ay binati naman ni James ang nag-iisa niyang anak na babae na si Francesca na anim na taong gulang na ngayong taon.

Kapansin-pansin din na halos lahat ng post ni James ay nasa ibang bansa siya nitong nakaraang buwan pero wala siyang post na kasama ang mag-iina niya.

Anyway, tulad nga ng sabi ni ‘Nay Cristy sana raw ay hindi totoo ang balitang hiwalay na sina James at Michela.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA para sa panig ni James tungkol sa umano’y hiwalayan nila ni Michela.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending