Vice Ganda ayaw patawag na babae: Magagalit si Cristy Fermin

Vice Ganda ayaw patawag na babae: Magagalit si Cristy Fermin

Therese Arceo - May 23, 2024 - 05:10 PM

Vice Ganda ayaw patawag na babae: Magagalit si Cristy Fermin

MULING nagpatutsada ang Unkabogable Star na si Vice Ganda laban sa kolumnistang si Cristy Fermin.

Habang abala ito sa pagho-host ng segment na “EXpecially For You” kasama sina Jhong Hilario, Vhong Navarro, at Kim Chiu nagkaroon sila ng debate tungkol sa pagdedesisyon ng babae at lalake sa isang relasyon.

Ayon kasi sa naging guest nilang lalaki ay dapat raw ang mga babae ang nagdedesisyon sa isang relasyon kung tatapusin na ba ito o ipagpapatuloy pa.

Baka Bet Mo: Vice Ganda sinabihang magdemanda ng netizens, laban kanino kaya?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Iyon ang laging sinasabi ng mga lalaki, ‘Ikaw, kung anong gusto mo.’ Pero ang totoo, gusto rin naman talaga nila ‘yon para hindi sila magmukhang kalaban, para hindi magmukhang sa inyo naman talaga galing ‘yong dahilan kung bakit naghiwalay, para nasa amin ‘yung guilt,” depensa naman ni Vice Ganda.

Nagsalita naman si Jhong at sinabing,

“Ganiyan naman kasi kayong mga babae…”

Ngunit bago pa nito matapos ang sinasabi ay na-cut na siya ni Vice.

“Bakla ako, bakla! Wag mong sasabihin ‘yan, magagalit si Cristy Fermin!” banat ng komedyante.

“Hindi ka babae, Vice Ganda!’ sabi niya—bwak bwak bwak bwak bwak,” pagpapatuloy pa ni Vice.

Agad namang naghiyawan ang madlang pipol sa naging hirit ng “It’s Showtime” host.

Hindi naman ito ang unang beses na nagpasaring si Vice laban sa kolumnista dahil sa mga ibinabato nitong komento laban sa kanya.

May ilang netizens pa nga ang nagsasabi sa komedyante na maghain na ito ng kaso laban kay Cristy dahil sa mga komentaryo nito sa kanyang online shows.

Minsan ngang nabanggit ito ng komedyante ng hiritan siya nina Jhong na gawin noon ang viral “Piliin Mo Ang Pilipinas” trend.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang mga personalidad na nagsampa ng kaso sa kolumnista ay ang mga magulang ni Sarah Lahbati, si Bea Alonzo, at ang mag-asawang sina Sharon Cuneta at Atty. Kiko Pangilinan.

Samantala, noong November naman nang sabihin ni Cristy na huwag magpanggap na babae si Vice.

“Vice Ganda, hindi ka tunay na babae. Lalaki ka. Lalaki ka, Vice Ganda, nagpapanggap ka lang na babae!” sey ng showbiz columnist.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending