Cristy Fermin pinagreretiro na ni G Tongi: It's time! | Bandera

Cristy Fermin pinagreretiro na ni G Tongi: It’s time!

Therese Arceo - May 11, 2024 - 10:36 PM

USAP-USAPAN ngayon ang latest tweet ng dating aktres na ngayon ay naka-base na sa America na si G Tongi patungkol sa showbiz columnist na si Cristy Fermin.

Nitong Biyernes, May 10, may maikling pahayag ito na marahil ay may kaugnayan sa kasalukuyang kinakaharap ng kolumnista.

“Retire Christy Fermin. It’s time!” tweet ni G Tongi.

Bagamat mali ang spelling ng pangalan ng kolumnista ay marami naman ang sumang-ayon sa sinabi ng dating aktres.

Baka Bet Mo: G Tongi bet panoorin ang ‘Katips’: Let me know what you all think!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Jail time first kelangan matikman niya himas rehas before she retires,” saad ng isang netizen sa tweet ni G.

Sabi naman ng isa, “[Tama] lng yan magkaroon cia ng patong2 na kaso, masyado personal ang pangingialam sa buhay ng artista, hndi na tama.”

“It’s been long overdue,” hirit pa ng isa.

Kamakailan ay nagiging maingay ang pangalan ng kolumnistang si Cristy Fermin matapox ang sunud-sunod na kasong inihahain laban sa kanya ng mga kilalang personalidad.

Una na siyang inireklamo ng mga magulang ni Sarah Lahbati.

Sunod naman na naghain ng cyber libel case kay Cristy ay ang Kapuso star na si Bea Alonzo.

At nitong Biyernes lang nang sampahan rin siya ng kasong cyber libel nv mag-asawang sina Sharon Cuneta at Atty. Kiko Pangilinan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kabila ng patong-patong na reklamo laban sa kanya ay nauunawaan naman raw niya kung saan nanggagaling kay Cristy,

Wala pa namang pahayag ang kolumnista o ang kampo nito hinggil sa isyu.

Bukas ang BANDERA para sa pagpapaliwanag ng mga taong sangkot sa isyung ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending