Bianca Gonzalez pinuri ang Sona ni PBBM pero may patutsada pa rin; G Tongi tumalak dahil sa pabonggahan ng OOTD
IBA’T IBA ang naging reaksyon ng mga nakapanood sa kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong Marcos” kahapon, July 25.
Isang oras at 15 minuto tumagal ang speech sa Sona ni PBBM na ginanap sa Batasan Pambansa Complex sa Quezon City kung saan inisa-isa nga niya ang kanyang mga plano para sa Pilipinas sa susunod na anim na taon.
Marami ang natuwa at muling nabuhayan ng loob matapos marinig ang kabuuang Sona ng Pangulo pero tulad ng inaasahan, meron din ang tumaas ang kilay at nangnega sa kanyang speech.
Isa sa mga matatapang na celebrities na nagbigay ng opinyon sa Sona ni Pangulong Bongbong ay ang Kapamilya TV host at kilalang supporter ni former Vice President Leni Robredo na si Bianca Gonzalez.
In fairness, pinuri naman niya ang Sona ng bagong Presidente, “That was a good SONA for PBBM. Here’s hoping this admin delivers on the promises, para sa Bayan (praying hands, Philippine flag emojis).”
Sabi ng “Pinoy Big Brother” host, kahit si Leni Robredo ang kanyang ibinoto last May 9 elections, ipagdarasal niya na sana’y magtagumpay ang Marcos administrasyon para sa sambayanang Filipino.
Pero diin ng TV host, kailangan pa ring panagutan ng pamilya Marcos ang mga “utang” nila sa bayan noong namumuno pa si dating Pangulong Ferdinand Marcos.
View this post on Instagram
“I may have voted for Leni Robredo and I still believe the Marcos family needs to be accountable for the stolen wealth and the ML human rights abuses, but BBM is our duly elected President and I felt his SONA was good. Kung successful ang admin, success din ng Bayan,” sabi pa ni Bianca.
Dugtong pa niya, “Like many others, when Ma’am Leni lost the elections, I wanted to ‘not care about politics anymore.’
“Pero hindi nagtagal yun dahil lahat tayo, may pakialam sa bansa. Mabuti nang mapagmatiyag sa administrasyon, para mabantayan ang mga pangako sa Bayan. Tuloy ang People’s Movement,” sabi pa ni Bianca.
Agaw-eksena naman ang naging pahayag ng dating aktres na si G Tongi kontra sa mga pabulosa at bonggang-bonggang OOTD ng mga dumalo sa Sona.
Matapang na pagpuna ni G, “Please PH! It’s called delicadeza. Today is not about a fashion show ok?
“Today is about thinking critically about issues that have never been addressed that are owed to the Filipino people.
“A president of any nation has to serve the people and not their self interest. #sona2022,” sabi ni aktres.
At tulad ng inaasahan, all-out pa rin ang suporta ni Toni Gonzaga kay PBBM na umaasang magtatagumpay at matutupad ang lahat ng magagandang plano ng Marcos administration para sa mga Filipino.
“We look forward to your good governance PBBM! God bless you and our country,” ang pagbabahagi ng aktres at TV host sa kanyang Instagram post.
Ang asawang producer at direktor ni Toni na si Paul Soriano ang nagsilbing direktor ng unang Sona ni Pangulong Bongbong.
https://bandera.inquirer.net/319162/paul-soriano-napiling-direktor-ng-unang-sona-ni-bongbong-marcos-it-will-be-simple-and-traditional
https://bandera.inquirer.net/319570/unang-sona-ni-pangulong-bbm-kasado-na-bukas-speech-magiging-concise-clear-and-direct-to-the-point
https://bandera.inquirer.net/319570/unang-sona-ni-pangulong-bbm-kasado-na-bukas-speech-magiging-concise-clear-and-direct-to-the-point
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.