Vice Ganda sinabihang magdemanda, laban kanino kaya?

Vice Ganda sinabihang magdemanda ng netizens, laban kanino kaya?

Therese Arceo - May 11, 2024 - 07:23 PM

Vice Ganda sinabihang magdemanda ng netizens, laban kanino kaya?

IDINAAN ng Unkabogable Star na si Vice Ganda sa biro ang pagrereklamo sa dami ng mga “utos” na natatanggap niya mula sa netizens.

Nitong Biyernes, May 10, nabanggit niya sa segment na “EXpecially For You” na napakaraming requests mula sa netizens ang kanyang natatanggap.

“Itong mga madlang people ang daming ipinapagawa sakin. Gumawang Asoka Challenge, Piliin ang Pilipinas Challenge. Magdemanda na rin. Ang dami n’yong gusto ipagawa sakin,” saad ni Vice.

Maririnig naman ang tawa nina Jhong at ang tili ni Anne matapos ang sinabi ng komedyante.

Baka Bet Mo: Vice Ganda: Kahit ang hirap mong ipaglaban, pipiliin pa rin kita Pilipinas

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Pagpapatuloy pa ni Vice, “Ang dami n’yong request. Pipiliin ko doon kung anong gusto n’yo. Ano ba gusto n’yo pagbigyan ko? ‘Yung gumawa o magdemanda?”

Kaya naman agad na nag-viral ang video clip ng komedyante sa social media na mula sa naturang segment at sinasabing baka si Cristy Fermin ang nais ng netizens na sampahan nito ng kaso.

Hindi naman kaila sa madla ang hindi magagandang komento ni Cristy laban kay Vice sa kanyang mga showbiz programs gaya ng “Cristy Ferminute” pati na rin sa “Showbiz Now Na” kung saan kasama niya sina Romel Chika at Wendell Alvarez.

Ilan sa mga komento ng kolumnista laban sa komedyante ay ang attitude ras nito at ang pagkakaroon ng bad breath noon.

“‘Yun na siya, innate na ‘yon, ipinanganak siya [Vice] kakambal na ng kanyang inunan ‘yung kayabangan. Yung kayabangan niya, ‘yung pagiging hambog niya na sinasabi ng ating mga kababayan, pag-aralan po nating mabuti – may dahilan ‘yon,” sey ni Cristy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pagpapatuloy niya, “May mga kulang po na kailangan niyang punan, may mga butas na dapat niyang takpan kaya dapat ay unawain natin siya sa pagiging mayabang.”

Marahil sinasabihan si Vice ng kanyang mga tagasuporta na magdanda dahil sunud-sunod ang mga naghahain ng reklamo ngayon laban kay Cristy Fermin.

Una na rito ay ang nga magulang ng aktres na si Sarah Lahbati. Last week lang nang maghain rin ng cyber libel case si Bea Alonzo at kahapon naman nang maghain rin ng reklamo ang mag-asawang sina Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending