Mother Lily ‘sinundo’ ng asawang si Father Remy, pangako tinupad
Walang patid ang pagdating ng mga kapamilya, kaibigan at naging katrabaho ni Mother Lily mula pa noong unang araw ng kanyang lamay sa pag-aari rin niyang Valencia Events Place sa Quezon City.
Kanya-kanyang kuwento ang mga celebrities na dumadalaw sa lamay ng kanilang masasayang bonding moments with the Regal Films matriarch na pumanaw sa edad na 84.
Namaalam ang movie producer anim na araw matapos sumakabilang-buhay ang kanyang asawang si Remy Monteverde.
Ilan sa mga original Regal Babies na pinasikat ni Mother Lily ang unang-unang bumisita sa kanyang wake para magbigay-pugay sa kanya at makiramay na rin sa naulila niyang pamilya.
Baka Bet Mo: Snooky, Juday, Iza, Billy tunay na nanay ang turing kay Mother Lily
Sa anim na dekadang pamamayagpag ng Regal Entertainment ni Mother Lily, ay nakagawa na sila ng halos 1,000 na pelikula.
Natanong ng media ang anak ni Mother Lily na si Roselle Monteverde kung ano na ang mga susunod na plano ng Regal Entertainment ngayong wala na ang kanyang ina.
“The plan is really to continue on the legacy of Mother that created. So, more movies. Meron din kaming mga series na kini-create for certain OTT (over the top) platforms,” pahayag ni Ms. Roselle na ilang taon na ring namamahala sa Regal.
Ayon pa sa movie producer, mixed emotions ang nararamdaman niya sa magkasunod na pagpanaw ng kanilang mga magulang.
“It is very overwhelming. It’s a mixed feeling, since syempre hindi naman masaya talagang to lose both your parents in the span of just a week.
“But then, every time I think about it, they’re also tired because, as you know, their bodies are not well enough to live. I think it’s better talaga for them, and you know they’re together,” pahayag ni Roselle.
Patuloy pa niya, “I’m sure they’re together, kasi parang it’s a matter of, you know, ‘yung burial ng Dad namin, right after that, we rushed to the hospital, kasi tinawag kami.
“Parang timing naman. Then we got to the hospital, sabi ng doctor parang they thought my mom’s going to be well, but then suddenly bigla na lang siyang nag-bid na unexpectedly.
“So, the doctor gave us a choice, so we stayed with her until her passing. So ‘yun na, sinundo siya talaga ng Dad ko,” sabi pa ng anak ni Mother Lily.
Sabi pa ni Roselle patungkol sa namayapang ama, “Na-fulfill niya ‘yung promise niya sa Mom ko, that they will be happy together.”
Nakaburol ang labi ni Mother Lily sa Valencia Events Place, 38 Valencia Street sa Quezon City. Ihahatid at ililibing siya sa The Heritage Park, Taguig City.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.