Mother Lily inilibing na, binigyan ng standing ovation sa huling lamay
ININAHATID na sa kanyang huling hantungan ang iconic film producer na si Mother Lily Monteverde kahapon, August 10.
Nagkaroon muna ng misa sa 38 Valencia kung saan ibinurol ng ilang araw ang labi ni Mother Lily, bago siya inilibing sa The Heritage Park sa Taguig City.
Pumanaw ang Regal Entertainment matriarch nitong nagdaang August 4, isang araw matapos ilibing ang yumao niyang asawang si Remy Monteverde. Siya ay 84 years old.
Bukod sa pamilya at mga kaanak ni Mother Lily, nakipaglibing din ang mga celebrities na naging malapit sa yumaong producer.
Baka Bet Mo: Joey Reyes durog ang puso sa pagpanaw ni Mother Lily: ‘Ikaw ikalawang nanay ko’
Muling bumuhos ang luha habang nagpapaalam sa huling sandali ang kanyang mga mahal sa buhay kasabay ng panalangin ng katahimikan ng kanyang kaluluwa.
Samantala, bago ang libing, muling binigyan ng tribute at pagkilala ng kanyang pamilya at mga kaibigan ang Regal Entertainment matriarch.
View this post on Instagram
Mensahe ni Direk Joel Lamangan sa kanyang eulogy, “Dapat siyang maging National Artist. Let us give her a standing ovation.”
Pahayag naman ni Roderick Paulate, “Malaki utang na loob ko kay mother. Hindi lang siya nag-invest ng pelikula sa akin. Nag-invest siya ng puso bilang ina.”
Baka Bet Mo: Snooky, Juday, Iza, Billy tunay na nanay ang turing kay Mother Lily
Nagbigay din ng message si Sen. Robin Padilla, “Hindi ako Regal baby, ‘Mother’ baby ako. Napatunayan ko relationship namin noong nasunog ako, na-accident ako.
“Araw-araw ako pinupuntahan ni Mother. Dinadalan niya ako soup. Araw-araw. Isang buwan po ako diyan. Nagbigay din siya ng tulong pambayad sa ospital.
“Hanggang sa kulungan ko, pinupuntahan ako. Hindi niya ako artista ha. Pero hanggang sa Bilibid pinuntahan ako ni Mother. Hanggang sa makalabas ako. Binigyan ako dinner ni Mother. Pati pang-enroll ng anak ko, binigay ni Mother,” pag-alala ng aktor at public servant.
Para naman kay Annabelle Rama, “Hindi ako Regal baby, mga anak ko lang. Lagi kami nag-aaway ni Mother sa billing, kontrata, cheke, at promo. Lagi kami nag-aaway. Alam ng buong showbiz yan. Away bati, kasi hindi ko maintindihan ugali, hindi niya maintindihan ugali ko.
“Bandang huli nagkasundo kaming dalawa. Nakuha na namin ugali eh. Hanggang nagmahalan kami dalawa, lagi kami nagkikita.
“Hanggang pandemic lagi kami nagkikita. Best friend na kami, wala na kami pag uusapan about pera o trabaho. Basta lagi kami magkasama,” sabi pa ng nanay nina Ruffa, Richard at Raymond Gutierrez.
Narito naman ang bahagi ng eulogy ni Charo Santos, “Whether we are kapamilya, kapuso, kapatid, kaibigan o kahit na nakagawa tayo ng isang project sa Regal Films lahat tayo matatawag natin ating mga sariling Regal Babies.
“Ako po ay naging Regal Baby sa likod ng camera noong naimbitahan ako ni Mother Lily to join Regal Films as the creative manager in 1984. Everything that I knew about mainstream film making, everything that I knew about commercial filmmaking I learned from Mother Lily.
“There are two endearing qualities about Mother, pag nakasakit siya marunong siyang humingi ng sorry at saka itinuro rin niya sa akin na learn to forgive, you always forgive never hold grudges,” dagdag ng premyadong aktres.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.