Asawa ni Mother Lily na si ‘Father Remy’ pumanaw na sa edad 86
NAGLULUKSA na naman ang mundo ng showbiz dahil sa pagpanaw ni Leonardo Monteverde, na mas kilala bilang “Father Remy,” kahapon, July 29. Siya ay 86.
Sumakabilang-buhay si Father Remy dahil sa sakit na pneumonia.
Si Father Remy ang asawa ni Mother Lily Monteverde, ang may-ari ng Regal Entertainment na ilang dekada na ring nagpo-produce ng mga de-kalibreng pelikula sa Pilipinas.
Bukod kay Mother, naulila rin ni Father Remy ang kanyang mga anak na sina Roselle, Dondon, Meme at Goldwyn Monteverde.
Baka Bet Mo: Mother Lily wish makapagpa-party sa Pasko para sa showbiz press
Si Father Remy ay dating basketball player ng San Beda high school at Mapua College.
Ang malungkot na balita ay kinumpirma ng batikan at premyadong direktor na si Erik Matti sa kanyang Instagram page.
View this post on Instagram
“To the Monteverde family, @motherlilymonteverde Meme, @roselle_monteverde @dondonmonteverde @rgmonteverde our deepest sympathies for the passing of Father Remy Monteverde.
“His legacy and contribution to Philippine cinema through Regal Films will always be remembered and recognized.
“He has championed Filipino Action movies and defined it for so many decades with such icons Lito Lapid and Ace Vergel headlining the marquee.
“Rest in peace, Father,” ang buong pahayag ni Direk Erik sa kanyang social media post.
Nakaburol ngayon ang labi ni Father Remy sa 38 Valencia Events Place, Quezon City.
Maaaring dumalaw sa lamay ng pumanaw na asawa ni Mother Lily mula 10 a.m. hanggang 11 p.m. Daily masses will be held at 7 p.m..
The Monteverde family extends their gratitude for the outpouring of support and prayers during this difficult time.
They invite friends, family, and colleagues to join them in celebrating the life of a man whose quiet strength and dedication have left an indelible mark on their lives and the broader community.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.