Aiko Melendez nagkakasakit na sa paglagare bilang artista at public servant: Pero hindi po ako nagrereklamo dahil worth it naman | Bandera

Aiko Melendez nagkakasakit na sa paglagare bilang artista at public servant: Pero hindi po ako nagrereklamo dahil worth it naman

Ervin Santiago - October 18, 2022 - 07:29 AM

Aiko Melendez nagkakasakit na sa paglagare bilang artista at public servant: Pero hindi po ako nagrereklamo dahil worth it naman

Angel Guardian, Aiko Melendez, Beauty Gonzalez at Thea Tolentino

EXCITED na ang Kapuso actress-politician na mapanood ng publiko ang bago niyang teleserye sa GMA 7, ang “Mano Po Legacy: The Flower Sisters”.

Matagal-tagal na ring hindi napapanood sa telebisyon si Aiko dahil nga mas inuna muna niya ang pagiging public servant kesa sa pag-aartista.

Hindi na tumanggap ng projects ang premyadong aktres mula nang mangampanya siya last elections hanggang sa iproklama na siya bilang konsehal ng 5th District ng Quezon City.

At makalipas nga ang ilang buwan, nagbabalik si Aiko sa showbiz sa pamamagitan ng GMA Telebabad series na “The Flower Sisters” na collaboration ng Regal Entertainment Inc. at ng GMA Network.

Sa nasabing serye, gagampanan niya ang karakter ni Lily at inamin ni Aiko na may naramdaman siyang pressure nang magsimula na silang mag-taping.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ms Aiko Melendez (@aikomelendez)


“Sa mga hindi nakakaalam po, isa ako sa mga original Regal Baby, baby po ako ni Mother Lily,” sabi ni Aiko na ang tinutukoy ay ang Regal Entertainment producer na si Lily Monteverde.

“Kaya the mere fact na ang pangalan ko po dito ay Lily, nakaka-pressure po, although hindi naman po ganyan ang ugali ni Mother Lily. May mga eksena po na ginaya namin si Mother Lily.

“Sana ito na ang hudyat ng pagbabalik ko dahil nga nadya-juggle ko naman yung time ko sa pagiging konsehal ng Quezon City.

“Although nagkakasakit na, pero worth it naman. After seeing the trailer of Mano Po Legacy 3, I don’t have any regrets na tinanggap ko ang Mano Po,” ang pagbabahagi ng aktres sa naganap na presscon ng “The Flower Sisters” kamakailan.

Todo ang pasalamat ni Aiko kina Regal Entertainment Entertainment CEO Roselle Monteverde at GMA Network executive Joey Abacan, “Salamat sa pagkakataon na ito that you made my comeback with a big bang.”

Samantala, makakasama naman ni Aiko sa bagong Kapuso serye si Beauty Gonzalez at pinaalaala nga niya na nagtapatan noong 2019 ang serye niyang “Prima Donnas” sa GMA at ang “Kadenang Ginto” ni Beauty sa ABS-CBN.

“Itong pagbabalik ko po sa show business, blessing po dahil nakatrabaho ko si Beauty.

“Like I’ve said, I’m very open about it, magkatapat kasi dati yung show namin, Prima Donnas at ang Kadenang Ginto. And then, yung karakter namin dito sa Mano Po 3, magkatapat,” sey ni Aiko.

Sabi naman ni Beauty, “Pero ang pinakamasaya, sa totoong buhay, hindi kami magkatapat. Nagkaroon ako ng katapat bilang kaibigan.”

Magsisimula na ang “Mano Po Legacy: The Flower Sister” sa October 31, sa GMA Telebabad. Kasama rin dito sina Thea Tolentino at Angel Guardian.

Paul Salas feeling lucky na makatrabaho ang GF na si Mikee Quintos sa ‘The Flower Sisters’, umaming nag-struggle sa taping

Bianca na-challenge sa pagpapatawa sa ‘Mano Po Legacy: Ibang animal din ang comedy, ang hirap!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mother Lily wish makapagpa-party sa Pasko para sa showbiz press

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending