Mother Lily wish makapagpa-party sa Pasko para sa showbiz press | Bandera

Mother Lily wish makapagpa-party sa Pasko para sa showbiz press

Reggee Bonoan |August 18,2021
facebook
share this

Mother Lily wish makapagpa-party sa Pasko para sa showbiz press

Reggee Bonoan - August 18, 2021 - 05:47 PM

Lily Monteverde

MARAMI na ang nakaka-miss sa Regal producer na si Mother Lily Monteverde dahil simula nu’ng nag-lockdown noong 2020 ay hindi na siya nakalabas ng bahay at hindi rin siya nagpapakita maliban noong nagpa-zoom birthday party siya (Agosto 19).

Kapag kaarawan kasi ng lady producer ay bonggang party ang nagaganap sa kanyang Valencia events place at kasabay na rin ng pasasalamat niya sa mga nakakatulong sa mga pelikula ng Regal Films.

Bukod dito ay sobrang malapit si Mother Lily sa media at marunong siyang maglambing kaya ito ang hinahanap-hanap ng lahat lalo na kapag Christmas party, talagang  umuuwing masaya ang lahat.

At siyempre, nangunguna ang kilalang talent manager na si Manay Lolit Solis sa nagbigay ng tribute sa nag-iisang Lily Monterverde ng showbiz.

Kaarawan ni Mother Lily bukas, Agosto 19 at nag-advance greeting na si Manay Lolit na ipinost niya sa kanyang Instagram account ang larawan nito at ibinukung na gusto raw magkaroon ng Christmas party ngayong Disyembre.

Ang caption ni Manay Lolit, “Alam mo ba Salve kung bakit ako nag flashback sa mga pa raffle pag Pasko? Kasi nagkausap kami ni Mother Lily at gustong gusto niya na magkaruon ng Christmas party sa December.

“Natawa nga ako dahil August pa lang, at hindi nakakalabas ng bahay si Mother Lily dahil bantay-sarado ng mga anak niya at mga apo. 

“Sa kagustuhan niya makita lahat ng nami miss niyang reporters, stars, at taga-showbiz, talagang gusto niya magbigay ng big party. Eh di ba malapit na birthday niya, at may mass na si Bishop Soc. Villegas ang magiging pari.

“Pero hindi iyon ang excitement kay Mother Lily, mas gusto niya ng isang big throwback party na para daw maalala ng lahat ang glorious days ng cinema. 

“Hay naku, talagang those are the days, dahil magkaharap ang Sampaguita at Regal office sa Valencia, talagang lagare ka, palipat lipat ka at pareho mo tinitikman ang handa nilang pagkain.

“Naalala ko tuloy si Manay Ichu Maceda na grabe din ang paghahanda sa mga okasyon ng showbiz. Babalik pa kaya ang happy days Salve at Gorgy? Matitikman pa kaya uli natin ang mga ganuon happennings? Meron pa kayang sunod-sunod na pa raffle? Hay, sino pa ang gagawa nito now?

“Parang wala ng leader ang showbiz industry. Parang wala ng gusto pang gumawa ng movies maliban sa mga indies. Taping na lang para sa TV ang pinaka trabaho sa ngayon sa showbiz.

“Pati nga balita, wala ng mapulot dahil walang balita. Kung baga, parang nasa ICU ngayon, naghihintay ng resulta. But there is still hope, dasal lang tayo na mabalik sa dati ang panahon. Na maka isip ng mga bagong ideas na magugustuhan at makaka excite sa audience. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Now is the time to think of new ideas dahil hindi busy ang lahat. Puwedeng magsama sama para bumuo ng magandang bagay na bubuhay sa showbiz. Let’s do it. Start it now. Now na, agad agad,” ang mensahe pa ni Manay Lolit.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending