Maricel nanapak ng lalaki matapos bastusin si Snooky sa shooting: In-uppercut ko talaga, e, di nakatikim siya! | Bandera

Maricel nanapak ng lalaki matapos bastusin si Snooky sa shooting: In-uppercut ko talaga, e, di nakatikim siya!

Ervin Santiago |November 15,2022
facebook
share this

Maricel nanapak ng lalaki matapos bastusin si Snooky sa shooting: In-uppercut ko talaga, e, di nakatikim siya!

Ervin Santiago - November 15, 2022 - 01:19 PM

Maricel nanapak ng lalaki matapos bastusin si Snooky sa shooting: In-uppercut ko talaga, e, di nakatikim siya!

Snooky Serna at Maricel Soriano

TAWA kami nang tawa habang pinanonood ang bagong vlog sa YouTube channel ni Snooky Serna kung saan nakasama niya ang kaibigan at ka-batch sa showbiz na si Maricel Soriano.

Wala rin kasing ginawa ang dalawang movie icon sa nasabing video kundi ang maghalakhakan dahil sa kanilang mga kalokahan at kadramahan noong kabataan nila.

Pero ang isang nakakalokang pangyayari na naikuwento ng Diamond Star ay nang sapakin niya ang isang lalaki na nambastos kay Snooky habang nasa shooting sila.

Binalikan ng magkaibigan ang nasabing eksena nang gawin nila ang pelikulang “Schoolgirls” kung saan nakasama nila ang kasabayan din nilang si Dina Bonnevie.

Ipinalabas ang “Schoolgirls” noong 1982 under Regal Films kung saan ka-join din ang mga ka-loveteam nilang sina Edu Manzano, Edgar Mande, at ang yumaong si Joel Alano.

Chika ni Maria, habang nagsu-shooting daw sila ay may isang lalaking nag-trip kay Snooky. Pag-alala ni Maricel, “Kay Kookie kasi parang alam mo yung niloloko kami.”

Sinusutsutan daw kasi sila ng naturang lalaki na parang aso, “Ginagawa kaming aso! Naku, kinuha ko talaga yung isang lalaki, hinatak ko siyang ganyan

“E, ang laki niya, e, hinatak ko siyang ganyan, in-uppercut ko talaga siya! O, di nakatikim talaga siya. Sabi ko sa kanya, ‘Wag mo kaming babastusin, ha! Naghahanapbuhay kami,'” lahad ni Maria.

Pagsang-ayon naman ni Snooky, “Nananahamik kami bigla ba naman akong ginawang aso. Actually, hindi nga si Maricel ang inaano noon. Di ba, ako?

“Siguro kasi akala kasi masyado bang sweetie-sweetie and everything, so merong (ginaya ni Snooky ang tunog sa pagtawag ng aso). Hala, e, di, ginanu’n siya ni Diamond Star! Nanahimik siya,” sey naman ni Snooky.

Walang binanggit ang dalawang aktres kung artista rin ba ang lalaking nambastos sa kanila.

Chika uli ni Snooky patungkol kay Maricel, “Iyan ang personality, iyan ang character ng isang Maricel Soriano, palaban!

“At saka talagang ipagtatanggol niya ang mga kasama niya sa trabaho, mga mahal niya sa buhay. Ganyan si Maricel, ang tapang,” dagdag pa niya.

Hirit namang sagot ni Maricel, “Ayoko namang babastusin tayo kasi hindi naman tayo kabastus-bastos na mga tao.”

Samantala, nagkuwento rin ang magkaibigan tungkol sa Regal Films matriarch na si Mother Lily Monteverde, ang may-ari ng Regal Entertainment na nagsilbi ring nanay-nanayan nila sa showbiz.

Ano ba ang nami-miss nila kay Mother Lily? Tugon ni Maricel, “Yung mga tili ni Mother, yung mga ‘Oy, oy, oy! Asan na yung ano ko? Asan na? Labas niyo na!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Snooky Serna (@snookysernaofficial)

Sey naman ni Snooky, “Totoo. Tsaka yung ano niya, yung… censor, ‘no. Censorable ito… Alam niyo na, medyo mura-mura ni Mother.

“Nakaka-miss in the sense na kasi authentic, e. Tsaka yung pagka-dual personality ni Mother, na one minute, ‘Ally, da-da-da!’ Galit na galit. O kaya sa akin, ‘O, Snooky, blah-blah-blah! Maricel, blah-blah-blah!’

“Tapos, mamayang konti naman, may kausap na siya sa telepono, [mahinahong boses ni Snooky] ‘Hello, yes? O, kamusta na?’” pag-alala pa ni Snooky.

Reaksyon ni Maria, “Pero yung galit ni Mother, ganoon lang iyon. Pero loving naman si Mother talaga sa amin.”

Kasunod nito, napag-usapan nga ang makasaysayang “flying phone” ni Mother Lily. Pambubuking ng Diamond Star, “Oo, totoo iyon. Kasi, di ba, tatawag siya nang tatawag?

“Walang sumasagot. O, siyempre, magagalit ka nga naman,” aniya.

Sabi naman ni Snooky, “So, frustration niya (ginaya ang paghahagis ng phone).”

“Yun ang mga lumilipad. Sinasalo namin,” ang natatawa pang kuwento ni Maria.

Snooky unang nakapasa bilang Madam Claudia sa ‘Pangako Sa ‘Yo’ pero napunta kay Jean; umaming insecure noon sa ilong

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Payo ni Maricel kay Donny: Sana maka-inspire kayo ng ibang tao, na maabot din nila ang kanilang mga pangarap

Maricel naiisip na ring mag-retire sa showbiz: Pero hindi ko siya pwedeng talikuran!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending