Snooky unang nakapasa bilang Madam Claudia sa 'Pangako Sa 'Yo' pero napunta kay Jean; umaming insecure noon sa ilong | Bandera

Snooky unang nakapasa bilang Madam Claudia sa ‘Pangako Sa ‘Yo’ pero napunta kay Jean; umaming insecure noon sa ilong

Ervin Santiago |November 08,2022
facebook
share this

Snooky unang nakapasa bilang Madam Claudia sa ‘Pangako Sa ‘Yo’ pero napunta kay Jean; umaming insecure noon sa ilong

Ervin Santiago - November 08, 2022 - 08:12 AM

Snooky unang nakapasa bilang Madam Claudia sa 'Pangako Sa 'Yo' bago napunta kay Jean; umaming insecure noon sa ilong

Jean Garcia at Snooky Serna

PINAGSISISIHAN ng award-winning veteran actress na si Snooky Serna na pinakawan niya ang isang napakagandang role sa isang teleserye noon ng ABS-CBN.

Tinawag pa ito ni Snooky na “a role of a lifetime” kaya naman hanggang ngayon ay meron pa rin siyang nararamdamang panghihinayang kapag naiisip niya ang tungkol dito.

Kuwento ng aktres, kinailangan niyang isakripisyo ang nasabing proyekto para harapin ang ilang personal niyang problema.

Ang tinutukoy ni Snooky ay ang iconic role na Madam Claudia Buenaventura sa Kapamilya hit series na “Pangako Sa ‘Yo” na umere noong 2000 at pinagbidahan nina Kristine Hermosa at Jericho Rosales.

Napunta ang nasabing role kay Jean Garcia at talaga namang nagmarka ito sa mga manonood kasabay din ng pagsikat ng karakter na Amor Powers, na ginampanan naman ni Eula Valdes.

Naichika ni Snooky ang tungkol dito nang sumabak siya sa “Never Have I Ever” sa kanyang YouTube vlog at  isa nga sa mga naitanong sa kanya ay, “Never have I ever regretted rejecting a project.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Snooky Serna (@snookysernaofficial)


Sagot ni Snooky, “Meron po akong ginawa noon. Nag-audition pa po ako pa sa isang role, na parang a role of a lifetime.

“Ang nangyari, nakapasa po ako sa audition. ‘Tapos may workshop. E, nagkakaroon ho ako ng personal problems at that time, hindi ko ho ginawa yung workshop.

“So, napalitan ako, siyempre po. Yung pumalit sa akin, ngayon ho isa na sa pinakamalaking bituin sa larangan po ng telebisyon.

“And I’m very happy for her, honestly. Ito po ay si Miss Jean Garcia,” lahad ni Snooky.

Aniya pa, “Yung role po na iyon ay yung role ni Madam Claudia doon po sa show na Pangako Sa ‘Yo. Sana ako si Madam Claudia.”

Samantala, inamin din ni Snooky na may mga pagkakataon ding super na-insecure siya sa ibang artista, “I have. May mga insecurity. Naku naman. Magpapakatotoo lang ho ako, yes.

“Naku, ang dami-daming beses na, siyempre may mga times na feeling mo maganda si ganito kesa sa iyo. Mas maganda ang ilong kesa sa akin. E, masyado akong conscious noong araw dito sa ilong ko.

“But as time went by, nawala rin. Finding security, natanggap ko na rin po itong ilong na ito.

“Na-realize ko na kung hindi ho dahil sa kanya (ilong), for all I know, baka ho hindi nakilala ang inyong kaibigan na si Snooky,” chikang biro pa ng aktres na hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa eksena dahil sa sunud-sunod niyang teleserye sa GMA 7.

Snooky tinuhog ang 2 major award sa Filmfest Manhattan 2021; Rita binigyan ng ‘honorable mention’

Claudia ‘no reaction’ sa 2 beses na ‘happy birthday’ ni Dennis, pero nag-‘I love you’ sa message ni Marjorie

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marjorie Barretto excited sa pagbabalik eskwela ni Claudia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending