John Arcilla nanawagan para labanan ang online piracy: Ito ang pumapatay sa ating industriya' | Bandera

John Arcilla nanawagan para labanan ang online piracy: Ito ang pumapatay sa ating industriya’

Alex Brosas |May 11,2023
facebook
share this

John Arcilla nanawagan para labanan ang online piracy: Ito ang pumapatay sa ating industriya’

Alex Brosas - May 11, 2023 - 07:35 AM

John Arcilla nanawagan para labanan ang online piracy: Ito ang pumapatay sa ating industriya'

John Arcilla

NANAWAGAN ang “Dirty Linen” veteran actor na si John Arcilla  na suportahan ang House Bill No. 7600 which aims to amend intellectual property code.

Sa kanyang Instagram account nanawagan ang premyadong actor via a short video.

“Ang pagpapahalaga po sa Philippine (entertainment)  industry ay pagpapahalaga sa ating lahi at sa kuwento ng mga Pilipino na isinasabuhay sa pelikula, serye, kanta at iba pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JOHN ARCILLA Official (@johnarcilla)


“Pero sa kabila po ng galing at talent ng ating industriya, ay napakalaking problema po ang paglaganap ng online piracy,” say niya sa video.

Para sa kanya, ang online piracy ang pumapatay sa industriya at siyang nagiging balakid para kumite ang mga tao sa showbiz.

“Ang pananatili po ng online piracy ay katumbas ng pagkawala ng hanap-buhay ng ating mga local talents, story tellers, filmmakers at ating mga crew,”  say niya.

Matapos niyang sabihin ito ay humingi siya ng suporta para sa House Bill 7600.

Baka Bet Mo: Gerald nanawagan para sa health workers: Ito yung time na dapat alagaan sila, ibigay sa kanila kung ano yung dapat

“Kaya samahan po ninyo ako na pukawin ang atensyon ng ating mga opisyal para po ipasa ang House Bill 7600 para po maproteskyunan ang ating Philippine creative and entertainment industry,” say niya.

Nanawagan din siya sa mga mambabatas na gumawa ng law para protektahan ang mga taga-industriya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JOHN ARCILLA Official (@johnarcilla)


“At hinihikayat ko rin po ang ating mga kagalang-galang na senador na makibahagi at magpasa rin ng mga batas sa senado hinggil dito sapagkat ang pagkilos po at laban para sa online piracy ay hindi lamang po responsibilidad ng isang industriya kundi responsibilidad po nating lahat.

“Para po sa patuloy na paglago ng ating sining, para sa mga mabubuksang trabaho na makapag-unlad sa ating ekonomiya  at para sa mga Pilipino at kuwento ng mga Pinoy na lalo pang ipagbubunyi dito sa atin at sa iba’t ibang bahagi  ng mundo. Magsama-sama po tayong lahat to play it right,” paliwanag niya.

Samantala, bilang Carlos sa “Dirty Linen” ay selos na selos ang character ni John sa bagong lalaki na nahuhumaling sa asawang si Leona played by Janice de Belen, not knowing na pakana lang ito ni Max (Christian Bables) para guluhin silang mag-asawa.

Sino nga ba ang ‘ultimate leading lady’ ni John Lloyd Cruz?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Regine, Ogie, Gary, Vice, KathNiel sama-sama para sa ‘Kapamilya Forever’ music video

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending