Sino nga ba ang 'ultimate leading lady' ni John Lloyd Cruz? | Bandera

Sino nga ba ang ‘ultimate leading lady’ ni John Lloyd Cruz?

Therese Arceo - December 22, 2021 - 10:25 AM

John Lloyd Cruz

ILANG TAON na rin sa industriya si John Lloyd Cruz at ilang leading ladies na rin ang kanyang nakasama at nakatrabaho sa pananatili sa showbiz.

Pero sino nga ba ang mako-consider ng aktor bilang ‘ultimate leading lady’ para sa kanya?

“Mahirap po sigurong magsabi ng isang pangalan when you say ultimate leading lady because lahat sila ay may angking husay, talino at galing,” sagot ni John Lloyd kay Lhar Santiago sa panayam niya sa “Unang Hirit”.

Dagdag pa niya, “Tingin ko, ang talagang ultimate leading lady ngayon, si Miles Ocampo. Tingin ko e pag-aagawan ng mga ultimate leading men sa kanilang generation.”

Isa si Miles Ocampo sa mga kasama sa cast ng bagong comedy series ni John Lloyd sa GMA-7 na “Happy ToGetHer”.

Muli na ngang magbabalik at mapapanood sa telebisyon ang beteranong aktor simula ngayong December 26.

Makakasama rin ni John Lloyd sa pagbibigay saya at ngiti sa mga manonood sina Jayson Gainza, Carmi Martin, Janus del Prado, Ashley Rivera, Jenzel Angeles, at marami pang iba.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @happytogethergma

Sa naturang comedy series ay gaganap ang aktor bilang isang mekaniko na all around at kayang ayusin ang kahit na anong bagay.

Sa inilabas na teaser ng “Happy ToGetHer” ay tila hirap ang karakter ni John Lloyd dahil first time raw niyang magpapakilala ng girlfriend sa ina na ginagampanan ni Carmi at kapatid na si Miles.

Makikita rin sa trailer si Jasmine Curtis-Smith pero hindi naman sigurado kung ito nga ba ang girlfriend na ipapakilala ng karakter ni aktor sa pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod rito, si John Lloyd rin ang magsisilbing producer ng kanyang show.

Simula December 26, 7:40PM ay linggo linggo nang mapapanood ng madlang pipol ang aktor a GMA-7.

Related Chika:
John Lloyd sa pagbabalik-showbiz: Gusto ko makita ako ng anak ko na nagtatrabaho

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending