John may pasaring kay Anthony: 'May kabastusan 'yung motibo'

John Arcilla may pasaring kay Anthony Jennings: ‘May kabastusan ‘yung motibo’

Pauline del Rosario - December 06, 2024 - 09:46 AM

John Arcilla may pasaring kay Anthony Jennings: 'May kabastusan 'yung motibo'

John Arcilla, Maris Racal and Anthony Jennings

NAGLABAS ng sariling opinyon ang award-winning actor na si John Arcilla matapos kumalat ang “cheating conversations” umano nina Maris Racal at Anthony Jennings.

Sa Facebook, inamin agad ng batikang aktor na hindi niya binasa lahat ng screenshots na ibinandera ng ex-dyowa ni Anthonny na si Jam Villanueva dahil ayaw niyang manghusga ng tao.

“Nagsisimula pa lang ako NAKARAMDAM NA AKO NG HIYA SA SARILI KO [emoji] Bat ba ako nagbabasa ng isang private na convo? Sabihin ng OA, pero AWKWARD yung pakiramdam,” sey niya sa post.

Paglilinaw niya, “Hindi ko rin sinasabing mali ka kung tinapos mong magbasa, nilatagan ka ng ebidensya, nag imbestiga ka. Kanya kanyang choice lang naman.”

Gayunpaman, may hindi raw maintindihan si John na kung saan ay hindi nagbura ng mga mensahe si Anthony, lalo na’t alam nito na may access sa kanyang phone ang girlfriend.

Baka Bet Mo: Abogado sa viral ‘screenshots’ nina Maris, Anthony: ‘Cheaters have human rights’

“Bakit hindi Binura? May mali eh. Anong Pakay? Parang may plano, parang may hindi magandang balak. TAENA NAMAN,” sambit niya.

Patuloy ni John, “Lahat naman tayo dumaan sa pagkabinata pero hindi ko ma-KUHA na habang may tino-torture kang GF dahil binigyan mo naman ng access sa CP mo (?) sa isang banda May ine-expose ka or may balak ka naman i-Blackmail na isa pang babae (?) Parang nasa gitna ng PAG EXPOSE at kunwaring PAG GASLIGHT (?) Parang mayroong laro eh.”

Lahad pa niya, “Sana mali ako. Pero kung tama ako. May kabastusan yung motibo. Ibang klaseng mag-trip. May hindi rin sina-alang-alang yung 3rd party, bad trip din yon.”

“Pero tingin ko lang mukang may isang Kolokoy na nag-take advantage ng LAHAT with confidence and a disguise of being cool? [happy face emoji] YUN LANG [peace sign emoji],” aniya pa.

Sa comment section, maraming netizens ang sumang-ayon sa opinyon ni John at narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Correct. Trophy lang yun para sa kanya. It’s impossible na gagawa ka ng kalokohan tas papahuli ka sa napaka daling way”

“Agree ako kaso dapat inisip ni maris na mali yung ginagawa nya .. alam nya na ang tama at mali .. ginawa nya pa din ang mali kahit alam nya pagkakamali din”

“I agree, feeling ko user si guy for his career.”

“sabi nga ni Christian Albert Gaza, hindi binura ni guy dahil ipinagmamamalaki nya na nakabingwit sya ng artista. in short, trophy”

“Yan dn po nasa isip ko! Parang may sayad Ang lalaki gusto dn magpahuli parang pinagmamalaki nia pang lahat”

Magugunitang inilantad ni Jam sa pamamagitan ng Instagram Stories ang ilang maseselang screenshots ng pag-uusap ng aktor at ka-love team nito na si Maris Racal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Base sa serye ng posts, nagsimula ito sa ‘di umano’y nais lang ni Anthony na pakisamahan si Maris dahil mayroon itong personal na problema at ayaw lang nitong makaapekto ito sa kanilang trabaho.

Hanggang sa ginagamit lang raw nito ang “method acting” para sa mas ikagaganda ng kanilang mga eksena.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending