Max may manliligaw pero dedma, hugot na hugot sa true love

Max Collins may manliligaw pero dedma, hugot na hugot sa true love

Ervin Santiago |March 26,2024
facebook
share this

Max Collins may manliligaw pero dedma, hugot na hugot sa true love

Ervin Santiago - March 26, 2024 - 08:05 AM

Max Collins may manliligaw pero dedma, hugot na hugot sa true love

Max Collins

MAS gusto muna ngayong maging single ng Kapuso actress na si Max Collins kaya dedma muna siya sa mga lalaki at pakikipag-date.

Matagal-tagal na ring walang dyowa si Max matapos silang maghiwalay ng kanyang asawang aktor na si Pancho Magno.

Sa panayam kay Max ng “Fast Talk with Boy Abunda” ay diretsahan siyang tinanong kung in love na ba siya ngayon. Ang sagot ng aktres, “No.”

Sunod na question sa kanya ni Tito Boy ay kung ano ang huling message na natanggap niya mula sa isang lalaki. Umamin naman si Max na may nagyaya sa kanya ng date.

Baka Bet Mo: Nadine hayagang binabastos ng mga basher matapos ilantad ang dyowang foreigner

“Ang sabi, ‘Are you free on the…” ang biting sabi ng aktres sabay tawa nang malakas. At nang sumundot ng tanong si Tito Boy kung ano ang isinagot niya sa offer ng guy, “Hindi.”

Isa raw sa mga natutunan ni Max mula nang tapusin nila ni Pancho ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa, “I finally learned that I should love myself first.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Max Collins 🇵🇭🇺🇸 (@maxcollinsofficial)


Para kay Max “unconditional” din daw sa kanya ang true love, “Because you’re giving and you’re not expecting to receive (in return). It’s very hard to find (pero hindi naman imposible).”

Baka Bet Mo: Diego Loyzaga hindi ipipilit ang pagpapakasal kahit makabuntis; titigil na sa paggawa ng matinding hubaran at sex scenes

Sabi naman ni Tito Boy kay Max, hindi masamang mag-expect ng something in return sa dalawang taong nagmamahalan. Na sinagot ng aktres ng, “I’m not there yet.”

Dagdag pang payo ng premyadong TV host, “Dapat may bigayan. Nakakasaid at nakakapagod yung isa lang ang nagbigay, nagbigay, nagbigay.” Um-agree naman si Max sa mga sinabi ni Tito Boy.

Matatandaang sa isang episode rin ng “Fast Talk with Boy Abunda” nabanggit ni Max na naghiwalay sila ni Pancho noong kasagsagan ng pandemic.

“I didn’t talk about it because siyempre, marami kaming pinagdaan as a family that time because there was a pandemic, nanganak ako, my marriage was falling apart.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I had to process everything, and I wanted to quiet the noise. I didn’t want to hear other’s people’s opinions, suggestions, comments because artista na ako, ayaw kong gawing teleserye ‘yung buhay namin,” sabi pa ng Kapuso actress.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending