Max Collins kinumpirmang naghiwalay sila ni Pancho Magno noong kasagsagan ng pandemya, mas piniling manahimik: 'Ayokong gawing teleserye 'yung buhay namin' | Bandera

Max Collins kinumpirmang naghiwalay sila ni Pancho Magno noong kasagsagan ng pandemya, mas piniling manahimik: ‘Ayokong gawing teleserye ‘yung buhay namin’

Ervin Santiago |May 29,2023
facebook
share this

Max Collins kinumpirmang naghiwalay sila ni Pancho Magno noong kasagsagan ng pandemya, mas piniling manahimik: ‘Ayokong gawing teleserye ‘yung buhay namin’

Ervin Santiago - May 29, 2023 - 10:12 PM

Max Collins kinumpirmang naghiwalay sila ni Pancho Magno noong kasagsagan ng pandemya, mas piniling manahimik: 'Ayokong gawing teleserye 'yung buhay namin'

Max Collins at Pancho Magno

KINUMPIRMA ng Kapuso actress na si Max Collins na matagal na silang hiwalay ng kanyang asawang si Pancho Magno.

Kasagsagan ng pandemic nu’ng magdesisyon daw sila ng aktor na tapusin na ang kanilang pagsasama bilang married couple.

Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” tinuldukan na nga ni Max ang matagal nang usap-usapan na hiwalay na sila ni Pancho na ilang taon din nilang itinago sa publiko.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Max Collins 🇵🇭🇺🇸 (@maxcollinsofficial)


“We split up a long time ago during the pandemic and we didn’t talk about it because marami kaming pinagdaanan as a family that time, there was a pandemic, nanganak ako, our marriage was falling apart,” pag-amin ni Max.

Mutual decision daw nila ng aktor ang itago muna sa publiko ang kanilang breakup para iwas-intriga at tsismis, lalo pa’t meron silang anak na pinangangalagaan at pinoprotektahan.

Baka Bet Mo: Max Collins, Pancho Magno dedma pa rin sa isyu ng hiwalayan; AQ Prime Stream mahigit 100 katao ang nabigyan ng trabaho

“I had to process everything and I wanted to quiet the noise, I didn’t want to hear other people’s opinions, suggestions, comments, because artista na po ako ‘di ba so ayoko naman gawing teleserye ‘yung buhay namin. We decided to keep quiet about it.

“I think every separation naman is difficult but it was amicable. We were not working and we needed to try spending time apart to see how that would work because we have a son to think about and to be honest in order to have a happy child his parents should be happy, it is very important,” pahayag pa ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pancho Angelo Magno (@magnopancho)


Hindi naman daw sila basta bumitaw sa kanilang relasyon dahil kahit medyo mahirap na para sa kanila ni Pancho ang sitwasyon ay nag-try pa rin sila na i-save ang kanilang relasyon.

“Tito Boy, we’ve been together for like eight years total? Nilaban namin hangga’t kaya ng mga puso namin in a sense na dumating ‘yung point na we stop becoming in denial about it,” aniya pa.

Pagpapatuloy pa ni Max, “I’m ready to talk about it now because we’re in a good place. I actually got his blessing to do this interview with you.”

Tungkol naman sa pagiging parents, maayos naman daw ang kanilang co-parenting set-up para sa anak nilang si Skye.

“We’re in a very good place now our child is almost three [years old] and he is very happy, and healthy and we’re so blessed that we have a very good co-parenting relationship with the best of friends, we’re closer now,” pahayag ni Max.

Matatandaang ikinasal ang dalawang Kapuso stars noong 2017. Mapapanood si Max sa bagong action-comedy show ng GMA 7 na “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” kasama sina Sen. Bong Revilla at Beauty Gonzalez.

Max Collins nag-explain kung bakit magkahiwalay sila ni Pancho Magno sa 2 b-day party ng anak

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kylie Padilla na-spluk na hiwalay na si Max Collins sa asawa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending