Kylie Padilla na-spluk na hiwalay na si Max Collins sa asawa | Bandera

Kylie Padilla na-spluk na hiwalay na si Max Collins sa asawa

Therese Arceo |June 06,2022
facebook
share this

Kylie Padilla na-spluk na hiwalay na si Max Collins sa asawa

Therese Arceo - June 06, 2022 - 01:02 PM

Kylie Padilla na-spluk na hiwalay na si Max Collins sa asawa

KINUMPIRMA ng Kapuso actress na si Kylie Padilla ang matagal nang usap-usapang chika ukol sa paghihiwalay ng kanyang kaibigang si Max Collins sa asawa nitong si Pancho Magno nang hindi sinasadya.

Naganap ang naturang kumpirmasyon ukol sa estado ng relasyon ng mag-asawang celebrity sa virtual interview ng anak ni Robin Padilla sa isang entertainment site kung saan pino-promote nito ang kanyang bagong show sa GMA-7 na “Bolera”

Dito ay tinanong si Kylie kung sino nga ba ang maituturing niyang unang kaibigan nang pasukin niya ang makulay na mundo ng showbiz.

“First friend talaga in show biz na friend ko pa rin hanggang ngayon — si Max Collins. We were together in ‘The Good Daughter,’ dun pa lang naging friends na kami, hanggang ngayon. Parehas kaming ikinasal, parehas naghiwalay, parehas kaming nanganak,” inosente at natatawang saad ng aktres.

Matatandaang matagal nang bulung-bulungan at laman ng chikahan kung ano nga ba ang estado ng relasyon ng mag-asawang Max Collins at Pancho Magno.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Max Collins 🇵🇭🇺🇸 (@maxcollinsofficial)

Una kasing kumalat ang chika na tila hiwalay na ang dalawa nang magkaroon sila ng magkaibang birthday celebration para sa kanilang anak na si Skye.

Wala namang kumpirmasyon sina Max at Pancho hinggil sa isyu ng kanilang hiwalayan at nanatili lamang na tahimik ang magkabilang kampo ukol rito.

Kaya naman naging mabilis ang mga tao sa pagtanggap na ang hindi sinasadyang pagkukwento ni Kylie ukol sa pagkakapareho nila ng kanyang first friend sa showbiz ang kumpirmasyon sa matagal nang kumakalat na balita ukol sa dalawa.

Nanatili namang tahimik sina Max at Pancho sa kabila ng pagiging trending ni Kylie sa hindi sinasadyang pag-“out” nito sa kanilang sikreto.

Mukha namang looking better na rin si Kylie matapos maging sentro ng usap-usapan noong nakaraang taon buhat nang aminin nito na hiwalay na sila ng asawang si Aljur Abrenica.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Max Collins 🇵🇭🇺🇸 (@maxcollinsofficial)

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa katunayan ay maayos na ngayon ang relasyon nila ng ama ng kanyang mga anak na sina Axl at Alas at maganda rin ang kanilang co-parenting set up.

Inamin na rin ni Kylie na sa ngayon ay sinusubukan na rin niya ang makipag-date sa iba ngunit aminadong ang pamilya at karera pa rin ang prayoridad sa ngayon.

Related Chika:
Max Collins bonggang workout ang panlaban sa anxiety; Mikee Quintos buena-mano sa GMA Playlist

Max Collins nag-explain kung bakit magkahiwalay sila ni Pancho Magno sa 2 b-day party ng anak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending