Max Collins bonggang workout ang panlaban sa anxiety; Mikee Quintos buena-mano sa GMA Playlist | Bandera

Max Collins bonggang workout ang panlaban sa anxiety; Mikee Quintos buena-mano sa GMA Playlist

Ervin Santiago |September 21,2021
facebook
share this

Max Collins bonggang workout ang panlaban sa anxiety; Mikee Quintos buena-mano sa GMA Playlist

Ervin Santiago - September 21, 2021 - 09:04 AM

Mikee Quintos at Max Collins

NAPAPANATILI ng Kapuso actress na si Max Collins ang maayos na kundisyon ng kanyang mental health nang dahil sa regular na pagwo-workout.

Kahit nga raw noong ipinagbubuntis niya ang panganay nila ni Pancho Magno na si Baby Skye Anakin ay tuluy-tuloy lang ang kanyang workout routine.

“During the pandemic nabuntis ako, nanganak ako and now I’m back to work na naman. Ako ever since the pandemic I’m working out. 

“Pinush ko ‘yung sarili ko kasi alam ko na mahihirapan ako manganak if I’m not physically fit. So ever since then parang naging addiction siya,” pahayag ni Max sa Pinoy Abroad Fun Connect ng GMA Pinoy TV para sa cast ng upcoming Kapuso series na “To Have and To Hold.”

Patuloy pang kuwento ng aktres, “So hanggang ngayon ganu’n pa rin ‘yung ginagawa ko. It’s really for mental health. I think a lot of people think na ‘di ba when you say na ‘I wanna workout kasi magpapapayat ako,’ hindi ganu’n e kasi it’s really for your mental health.”

Nabanggit pa ng isa sa leading lady ni Rocco Nacino sa “To Have and To Hold” na iba pa rin talaga ang epekto ng regular na pag-eehersisyo hindi lang sa pagpapaganda ng katawan kundi pati na rin sa mental health.

“Kasi when your body is functioning properly, then your mind is functioning properly and you are more controlled of your emotions lalo na kapag depressed ka. It really helps balance all the hormones.

“For me nakatulong talaga siya throughout the pandemic. And I will advise everyone when you want to do something and you are sad just workout,” sey pa ni Max.

Ipinanganak ni Max si Baby Skye noong July 6, 2020 sa pamamagitan ng water birth sa loob mismo ng kanilang bahay. Ito ang napagdesisyunan nila ni Pancho para na rin sa kaligtasan nila sa gitna ng COVID-19 pandemic.

* * *

Hindi na makapaghintay ang fans ng Kapuso star na si Mikee Quintos sa kanyang unang single entitled “Just Enough” sa bagong sub-label na GMA Playlist na lalabas ngayong Friday, Sept. 24.

Kagabi ay nagkaroon si Mikee ng exclusive listening party kasama ang ilang fans at talaga namang lalo silang na-excite sa latest single ng aktres.

Si Mikee ang kauna-unahang maglalabas ng awitin mula sa GMA Playlist. Sa kanyang countdown post sa Instagram, obvious na siya mismo ay looking forward na mapakinggan na ito ng lahat, “Too excited to vibe with you all!! #MikeeJustEnough.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Available na for streaming ang “Just Enough” simula ngayong Biyernes, sa Spotify, YouTube Music, Apple Music, at iba pang digital platforms worldwide.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending