Bela Padilla hindi pa nakikipag-live in sa Swiss-Italian boyfriend sa London; bibida sa 2 Korean movie
ANG bongga-bongga talaga ni Bela Padilla! Knows n’yo ba na dalawa ang ginagawa niyang pelikula ngayon sa South Korea kasama ang ilang kilalang K-drama actors?
Umaani ng papuri ngayon ang actress-director dahil sa ipinakita niyang performance sa latest movie niyang “Spellbound” mula sa Viva Films kung saan katambal niya si Marco Gumabao.
Napanood na namin ang “Spellbound” at talagang napabilib kami ni Bela sa akting niya sa movie at hindi na kami magtataka kung humakot siya ng tropeo sa susunod na award-giving season.
Sa naganap na premiere night ng pelikula ay natanong ang dalaga kung hanggang kailan siya mananatili sa Pilipinas. Sa London na ngayon naninirahan si Bela.
“I will be here for one month. I miss our country but I now have two homes,” sagot ni Bela.
Saan ang mas gusto niya, sa Pilipinas o sa London? “I love them both. Hindi puwedeng pagkumparahin kasi sobrang magkaiba sila, like apples and oranges, but our country will be always be home for me.
“Iba pa rin yung pakiramdam kapag umuuwi ako rito sa Pilipinas, e. My dad is British and my real family name is Sullivan, so I’m half Filipina, half British.
View this post on Instagram
“I’ve lived my whole in my mom’s home, the Philippines, so I felt it’s about time I find out how it is to live in my dad’s home,” aniya pa.
“For years, I’ve been telling my friends I think it’s time for me to move and try new challenges. The move is actually a leap of faith for me.
“I left Manila in 2019 and I’m enjoying my independent life in London, where I have two sisters and a brother, but they live two hours away from my place.
“Of course, I still do projects in Manila and I’m glad that Viva continues to give me good assignments, not only to act like in ‘Spellbound’, but also to write and direct, like I did in ‘366’ which got good reviews,” chika pa ni Bela.
Excited na rin si Bela sa pelikula niyang “If” na kinunan pa sa South Korea. Siya ang nagsulat at nagdirek nito, co-starring Korean actor Yoo Min Gon. May special participation din sa pelikula si Lorna Tolentino.
Bukod dito, may isa pa siyang tinatapos na pelikula, ang Korean movie ring “Oppa” kasama ang mga Korean actor na sina Jasper Cho at Kim Gun Woo.
Samantala, mariing dinenay ni Bela na nagli-live in na sila ng kanyang Swiss-Italian boyfriend na si Norman Bay.
“I’m on my own in my one-bedroom apartment. He is based in Zurich, Switzerland and he just visits every so often. It helps a lot that he’s not from showbiz but a very private person who is very understanding,” paliwanag ng aktres.
Bela Padilla inaming nabiktima ng ‘ghosting’ bago makilala ang partner na si Norman Bay
Bela nanirahan sa London hindi lang dahil sa dyowa; wala na bang balak bumalik sa Pinas?
Bela Padilla, Norman Bay masayang nag-celebrate ng 2nd anniversary: You make my days brighter!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.