P14-M pabuya ibibigay sa mga impormante sa kaso ni Quiboloy

P14-M pabuya ibibigay pa rin sa mga impormante sa kaso ni Quiboloy

Ervin Santiago - September 11, 2024 - 07:37 AM

P14-M pabuya ibibigay sa mga impormante sa kaso ni Quiboloy

Apollo Quiboloy

TATANGGAP ng tumataginting na P14 million ang mga nakapagbigay ng mahahalagang impormasyon tungkol kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy at apat pa nitong kasamahan.

Iyan ang siniguro ng Philippine National Police (PNP) kahit pa kusa umanong sumuko si Quiboloy sa mga otoridad ilang araw matapos lumabas ang warrant of arrest laban sa kanya.

Sinabi ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, nakapag-usap na sila nina DILG Secretary Benhur Abalos, PNP chief Police General Rommel Marbil, at Police Regional Office 11 director Police Brigadier General Nicolas Torre III tungkol sa naturang pabuya.

Baka Bet Mo: Miyembro ng ‘Lunch Out Loud’ nagsinungaling sa mga kasamahan sa show, pinaasa lang sa wala

Aabot nga sa P14 million ang reward na ibibigay sa mga impormanteng nakipagtulungan sa PNP at iba pang law enforcement agency para sa agarang pagdakip kay Quiboloy.

Pero ayon kay Fajardo, hindi raw nila puwedeng pangalanan ang mga naturang impormante para na rin sa kanilang seguridad at kaligtasan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Apollo Quiboloy Português (@pastoracqportugues)


“We cannot really reveal kung sino po sila at ilan po sila because manganganib po ang kanilang mga buhay.

“So, pag-uusapan pa po yan kung sino-sino po ‘yung entitled po sa reward,” pagbabahagi pa ni Fajardo sa isinagawang press briefing kahapon.

“But Definitely, ito pong reward na P10 milyon para kay Pastor Quiboloy at tag-iisang milyon para doon sa apat ay ibibigay po iyan sa mga impormante.

“Pero hindi na po pupuwedeng ilabas po ‘yan dahil ‘yung security nila ay at stake,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa tanong ng media kay Fajardo kung mga miyembro rin ba ng KOJC ang nagbigay ng mga impormasyon sa kinaroroonan ni Quiboloy, sagot ng police official, “I cannot confirm that po. Sorry.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending