Miyembro ng 'Lunch Out Loud' nagsinungaling sa mga kasamahan sa show, pinaasa lang sa wala | Bandera

Miyembro ng ‘Lunch Out Loud’ nagsinungaling sa mga kasamahan sa show, pinaasa lang sa wala

Reggee Bonoan |July 17,2023
facebook
share this

Miyembro ng ‘Lunch Out Loud’ nagsinungaling sa mga kasamahan sa show, pinaasa lang sa wala

Reggee Bonoan - July 17, 2023 - 04:43 PM

Miyembro ng 'Lunch Out Loud' nagsinungaling sa mga kasamahan sa show, pinaasa lang sa wala

Ang mga host ng ‘Lunch Out Loud’

SINO kaya sa miyembro ng programang “Lunch Out Loud” o “LOL” ang nagsabi sa mga kasamahan niya na magkakaroon uli sila ng show base sa usapan nila ng TV executives na ang ending ay wala naman pala?

Isa ito sa topic nina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika sa programang “Cristy Ferminute” kaninang tanghali sa Radyo5 92.3 TRUE FM.

Bungad ng CFM host, “Akala ko mayroon na talagang pag-uusap between the production and NET25. Akala ko talaga ay tuluy na tuloy na pero hindi pala sila nabigyan ng pagkakataon na makapag-show doon. Gusto kasi nila lunch time rin ang kanilang show.

“Pero ang dami kong nakakausap na taga-produksyon na pinangakuan pala kasi sila ng isa nilang kasamahan na nagmamarunong!

“Sabi raw ng kasamahan ng mga taga-LOL, ‘Nakausap ko na ang mga executives magkaka-show tayo sa NET25 diyan lang kayo.’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Tropang LOL (@tropanglol)


“So, umasa naman ang mga host na isang araw ay patatawag na sila at sasabihing ‘mag-rehearse na kayo at meron kayong show.’ Kung paano sila tinanggap ng TV5 sa pamamagitan ng Brightlight Productions ni Mayor Albee Benitez.

“Wala! Ang tagal-tagal nila naghintay.  Kailan pa sila nawala sa ere puro false hope raw ang sinasabi ng taong ‘yun!” pahayag ni Nay Cristy Fermin.

Baka Bet Mo: ‘LOL’ nina Billy at Alex sa TV5 tinatalo sa ratings game ang ‘Showtime’ nina Vice

“Paano ‘yun ‘Nay nakabinbin sila, waiting for tonight (kanta) ganu’n?” sambit naman ni Romel Chika.

Sabay kanta ni Nanay Cristy ng “Waiting For Tonight” (kanta ni Jennifer Lopez), “Alam mo ‘yang mga kinakanta mo sa Zirkoh.”

“Ha-hahaha! Ganyan po kapag wala kang inaantay,” natawang sagot naman ng stand-up comedian ng ilang comedy bars sa Quezon City.

Pagpapatuloy ni ‘Nay Cristy, “Ang masakit do’n ‘yung false hope kaya wala silang (LOL cast) trabaho ngayon.”

‘Yung iba raw ay may mga raket tulad ni Bayani Agbayani (ABS-CBN) at si Billy Crawford (show sa France at GMA 7). Sina Alex Gonzaga, Wacky Kiray at iba ay totally wala.

At ang payo ni Nanay Cristy, “Walang forever kaya kapag nakaere, at namamayagpag ‘wag isapuso kasi isang araw, you’re only as good as your last show, ‘yun lang!”

Janno Gibbs binanatan ang kasamahan sa showbiz na nagsasabing ‘tumaba’ na siya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cristy Fermin binalaan si Ronnie Liang: Mag-ingat ka sa pananalita mo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending