Cristy Fermin binalaan si Ronnie Liang: Mag-ingat ka sa pananalita mo | Bandera

Cristy Fermin binalaan si Ronnie Liang: Mag-ingat ka sa pananalita mo

Therese Arceo |November 17,2022
facebook
share this

Cristy Fermin binalaan si Ronnie Liang: Mag-ingat ka sa pananalita mo

Therese Arceo - November 17, 2022 - 10:04 PM

Cristy Fermin binalaan si Ronnie Liang: Mag-ingat ka sa pananalita mo

PINANGARALAN ng kolumnistang si Cristy Fermin ang singer na si Ronnie Liang patungkol sa nag-trending nitong post sa social media.

Ito ay may kinalaman sa nag-trending na post ng former “Pinoy Dream Academy” finalist kung saan sinabi niyang may nag-offer sa kanya na gumawa ng isang porn project.

Sa show nga nina Nanay Cristy na “Showbiz Now Na” kung saan kasama niya sina Wendell at Romel, napag-usapan nga nila ang mang-aawit at ngayo’y licensed pilot na.

Tila raw kasi minamaliit ni Ronnie ang mga kasamahan nito sa industriya dahil sa mga sinabi niya.

Saad ni Nanay Cristy, “Mag-ingat ka sa pagsasalita mo. Hindi mo alam na sa pagtatanggol mo sa sarili mo, sa pag-akayat mo sa estado ng iyong pagkatao, sandamakmak itong mga nasagasaan mong ito.”

Kasabay ng mensahe ng kolumnista kay Ronnie ay nabanggit rin nito ang naging komento ng comedian at direktor na si John Lapus.

“Ang concern ni John Lapus dun ay para sa mga kasamahan din nating artista na minsan sa isang panahon po ay nagbida sa mga pelikula at seryeng may ipinakitang katawan. Pero ngayon po, ‘pag ating tiningnan, matagumpay,” sabi ni ‘Nay Cristy.

Nagbanggit rin sila ng mga naging matagumpay na artista sa kabila ng pagkakaroon ng sexy films gaya nina Philip Salvador at Daniel Fernando.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ronnie Liang (@ronnieliang)

Chika nina ‘Nay Cristy, maari naman daw na siyang tumanggi na lamang at huwag nang magsabi ng iba pa para hindi na ito makasagasa o makasakit ng ibang kasamahan sa industriya.

Nabanggit rin ang pagsasabi ni Ronnie na isa siyang Christian kaya naman napataas ang kilay ng tatlo dahil tila ipinapakiwari ni Ronnie na hindi na anak ng Diyos ang mga artistang nagpakita ng kanilang katawan.

“‘Wag mong maliitin ang mga kasamahan mo. Tinanggap ka ng showbiz bilang ikaw, tinanggap ka bilang isang singer, wag mong maliitin yung mga artista na tumatanggap ng pagpapakita ng kanilang katawan,” hirit pa ni Cristy Fermin.

Related Chika:
Ronnie Liang napikon nang alukin at piliting gumawa ng porn movies: Nakakahiya!

‘Ang tunay na kaibigan, naalala ang pinagsamahan’ — Cristy Fermin

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

#IkawNa: Ronnie Liang Army reservist at commercial pilot na, may Master’s degree pa

Vhong Navarro ‘masusunog’ ang ipon, sey ni Cristy Fermin: ‘Wala na siyang programa, wala na siyang trabaho’

#IkawNa: Ronnie Liang Army reservist at commercial pilot na, may Master’s degree pa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending