Apollo Quiboloy natagpuan na, nasa compound lang pala ng KOJC sa Davao?
NAHANAP na kung saan nagtatago ang religious leader na si Apollo Quiboloy!
Ang pastor ay nananatili lang pala sa loob ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound sa Davao City.
Ito ay kinumpirma ng Davao police regional office director na si Brig. Gen. Nicolas Torre III sa isang ambush interview sa Camp Crame.
“Yes, that’s what the indicators and the informants are telling us,” sey ni Torre.
Si Quiboloy at ang lima pang akusado ay nahaharap sa mga kasong child abuse sa Davao City court, habang may arrest warrant naman ito sa Pasig City court dahil sa human trafficking.
Baka Bet Mo: Apollo Quiboloy ‘wanted’ sa FBI, dalawa pang miyembro pinaghahahanap rin
Noong July 8, nag-alok si Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. ng P10 million na pabuya para sa sinumang makakapagbigay ng impormasyon na hahantong sa pagkakadakip kay Quiboloy.
Bukod diyan, bibigyan din ng tig-P1 million reward para naman sa magbibigay ng impormasyon sa limang co-accused na nauugnay sa religious sect ni Quiboloy.
Noong July 11, naaresto sa kanyang bahay sa Davao ang isa sa suspek at kapwa-akusado na si Paulene Canada.
Bukod sa kanya, pinaghahanap din sina Cresente Canada, Ingrid Canada, Sylvia Cemañes, at Jackielyn Roy.
Matatandaan noong June 10, isandaang mga pulis ang sumugod sa loob ng KOJC compound upang ma-serve ang warrants of arrest sa pastor, ngunit sila ay pinigilang ng mga miyembro nito na makapasok.
Ayon sa hepe ng Davao police, alam na nila na nandoon nung mga oras na ‘yun si Quiboloy.
Bukod diyan, nadiskubre ni Torre na may “hangar” para sa private helicopters ng pastor leader sa loob ng compound na maaaring gamitin ng fugitive televangelist upang makatakas.
Nahuli pa raw nila na “active” ang isa sa mga helicopter nito two weeks ago.
Pero ayon sa kampo ni Quiboloy, wina-warm up lang nila ang helicopter.
Sinabi rin ng hepe na may pinaplano ulit silang operasyon laban kay Quiboloy, pero iniisip din nila ang “safety” at well-being” ng mga followers nito.
“Ayaw natin na may masaktan dito, lalo dumanak ang dugo,” sey ni Torre.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.