Apollo Quiboloy nawalan ng YouTube channel matapos isumbong ng netizen, may nilabag na guidelines
WALA nang YouTube account ang Kingdom of Jesus Christ founder na si Pastor Apollo Quiboloy.
Ito ay matapos tanggalin mismo ng video sharing app dahil may nilabag daw na guidelines ang megachurch leader.
Bago pa mangyari ‘yan, tila may isang Twitter user ang nanawagan sa YouTube na alisin ang account ni Quiboloy dahil nananatili pa itong aktibo sa kabila ng pagkakaroon ng arrest warrant mula sa US Federal Bureau of Investigation (FBI).
Kung maaalala, noong 2021 pa nang sampahan ng kasong sex-trafficking sa Amerika ang pastor.
Ayon sa pahayag ng US prosecutors, ginagamit ni Quiboloy ang mga batang babae para makipagtalik sa kanya.
Baka Bet Mo: Babala ni Quiboloy sa mga bumabanat sa kanya: Makikita n’yo ang mas matindi pa sa Omicron virus
Lahad ng netizen na nagsumbong, “Yo someone at @TeamYouTube has to help the feds or shut this account down.”
“Actual human trafficking priest is running a channel still reaching out to victims less than 12 hours ago. Dude has an FBI warrant out right now,” lahad pa sa post.
Nag-reply at nagbigay naman ng update ang YouTube at sinabing tinanggal na nila ang nasabing channel.
“Hey, update here: upon review, we’ve determined that the channel is in violation of Community Guidelines & has been terminated,” sey ng nasabing app.
hey, update here: upon review, we’ve determined that the channel is in violation of Community Guidelines & has been terminated
— TeamYouTube (@TeamYouTube) June 20, 2023
Ilang beses nang nasangkot sa kontrobersiya si Quiboloy, kabilang na riyan ang pagpatay sa tribal leader ng Davao City na si Datu Dominador Diarog noong 2008.
Sa kasalukuyan, kabilang ang pastor sa “Most Wanted” list ng FBI dahil sa kasong human trafficking umano.
Matatandaang naging spiritual advisor ng dating pangulong Rodrigo Duterte ang church leader.
Related Chika:
Leo Martinez nanawagan para sa mga senior: Maawa kayo, aba’y mahigit 1 taon na kaming nakakulong…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.