Anthony Taberna na-hack ang YouTube channel, nagbabala sa ‘fake’ interviews
NA-HACK ang YouTube account ng broadcast journalist na si Anthony Taberna o mas kilala bilang si Ka Tunying.
Ayon sa kanyang Facebook post, ito ang channel na may pangalang “Tune in kay Tunying” ngunit ito ay napalitan na ng “Micro Strategy.”
Inalis din daw ng hacker ang lahat ng posts niya roon at ang mga inupload ay puro tungkol sa “crypto solutions” para sa negosyo.
“Lahat po ng ating original postings ay tinanggal po nila, but we are currently in the process of retrieving our channel and re-publishing our videos. The YouTube channel name, however, remains as micro strategy as it usually takes around 14 days to change it,” caption ni Ka Tunying.
Nabanggit din ng TV host-anchor ang tungkol sa kumakalat na fake clips mula sa kanyang mga isinagawang panayam.
Baka Bet Mo: Ka Tunying inaming napakalaki ng talent fee sa ALLTV; tinanggihan ang offer na tumakbong senador
“If you may recall, nito pong mga nakaraang buwan ay may mga kumakalat na fake excerpts of our interviews with billionaires and other vips, implying that they achieved massive financial success due to cryptocurrency,” wika niya.
Babala pa niya, “We have repeatedly advised our subscribers and the public not to be lured by these fake interviews, clearly aimed at getting crypto followers. But this time, they took the deception to another level and hacked our youtube channel where we premiere our bi-monthly digital newscast ‘Tune in kay Tunying, Live!’ And other educational, inspiring and funny stories and commentaries.”
Nag-report na raw si Ka Tunying sa National Bureau of Investigations (NBI) upang maibalik na sa kanya ang YouTube channel na ilang taon niyang binuo.
Hoping din siya na maparusahan nang nararapat ang mga hackers na ito.
“Para po sa inyong kaalaman. Ibayong pag-iingat pa po sa lahat ng may digital channels,” mensahe niya.
Sa comment section, maraming netizens ang nagpaabot ng suporta at umaasa na maibabalik pa ang nakuhang socmed account.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“Ka Tunying grabe na ang mga taong may gawa niyan…sana mahuli sila at managot. Matuto naman silang magsikap sa sarili!”
“Kaya pala wala sa subscriber ko hanap ako ng hanap nakailang ulit kong hinahanap..hmmmm”
“Kayang-kaya po ‘yang ayusin ng NBI anti-cyber crime Division. Kasuhan niyo po ‘yung hacker para madala.”
“Ang hacker na ‘yan hindi masaya sa buhay. Nakakaawa siya pag dumating ang karma niya. Babalik sa kanya lahat ng kasamaang ginawa sa kapwa.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.