Ka Tunying never humingi ng tulong sa pamilya Marcos para sa medical bill ng anak | Bandera

Ka Tunying never humingi ng tulong sa pamilya Marcos para sa medical bill ng anak

Therese Arceo - August 02, 2022 - 07:22 PM

Ka Tunying never humingi ng tulong sa pamilya Marcos para sa medical bill ng anak

ITINANGGI ni Anthony Taberna o si Ka Tunying na humingi siya ng tulong sa pamilya Marcos para sa pagpapagamot ng anak niyang si Zoey na may sakit na leukemia.

Mahigit anim na taon na ring namamalagi sa Singapore si Zoey at aminado ang news personality na malaki rin ang kanilang gastos.

Kaya naman marami rin ang nagtatanong kung paano natutugunan ni Ka Tunying ang mga gastos nila at kumg may mga tao bang nagpaabot sa kanila ng tulong pinansyal.

Amin niya, isa ang social media sa mga nakatulong sa kanya lalo na ang Facebook at YouTube kung saan kumikita siya sa kanyang mga videos.

“Hindi ko siya masyadong iniintindi. Pero gusto ko pong sabihin sa inyo na ang YouTube at Facebook ay napakalaking bagay po sa akin noong panahong nangangailangan ako ng pantustos,” pagbabahagi ni Ka Tunying.

Bukod sa kanilang mga naipundar ay naging malaking tulong nga sa mga gastusin nilang pamilya ang mga kinikita sa social media.

Aminado rin si Ka Tunying na handa nilang ibenta ang kanilang bahay kung sakaling hindi na nila kayanin at handa silang bumalik sa dati nilang tirahan basta manatili silang kumpleto.

Ngunit sa awa raw ng Panginoon ay may mga taong nag-reach out sa kanya para magbigay ng tulong.

“Magugulat kayo, alam niyo po, mayroong lumalapit sa akin, tatawag sa akin na abogado. ‘Naaalala mo ba ako? Si ganito ako, tinulungan mo ako nung ganung panahon’. Hindi ko naman maalala kung ano ang itinulong ko. Tapos, hinihingi niya sa akin yung bank account ko,” kuwento ni Ka Tunying.

Ayaw na raw niya iisa-isahin pa ang mga pangyayaring ito ngunit hindi raw niya inaasahan na napakarami pala niyang natulungan noon na bumabalik para siya naman ang tulungan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anthony T. Taberna (@iamtunying28)

Sa kabila ng mga ikinuwento niya ay pinabulaanan naman niya na humingi siya mg tulong sa pamilya Marcos bagamat nag-reach out daw ito sa kanila noon.

“At gusto ko pong sabihin sa inyo kahit hindi niyo pa itinatanong, kasi ginagamit ito laban sa akin. Ako daw, kaya ako nag-BBM, kapit daw ako sa patalim. Ako na ang magsasabi sa inyo. As early as February po, nung nasa Singapore na po kami, totoo po… totoo po na tinawagan po ako ni First Lady Liza Marcos,” lahad ni Ka Tunying.

Pagkukwento pa niya, napkabait raw na tao ng asawa ni Pangulong Bongbong Marcos at personal pa itong tumawag para sabihing nais nilang tumulong financially.

“Tapos yung tao niya, maya’t maya, tinatawagan ako. ‘Tinatanong ni Madam kung paano’. Hindi ko po sinasagot. Hanggang sa oras po na ‘to, July 31, mula po noong nag-alok sila – ni isang kusing, wala po akong tinanggap na tulong mula kay President Ferdinand Romualdez Marcos Jr. at kahit na sa asawa niya,” sey ni Ka Tunying.

Labis naman ang pasasalamat niya sa pamilya Marcos kahit na hindi niya pa tinatanggap ang alok na tulong ng mga ito.

“Para lang po… just to set the record straight. But ahhh… gusto ko pong pasalamatan yung kanilang gesture ng kagandahang-loob nila, na nag-alok sila ng tulong para sa akin. Napakasarap po sa pakiramdam nun!” hirit pa ni Ka Tunying.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Ka Tunying sa patuloy na paglaban ni Zoey sa leukemia: Konti na lamang, bumabalik na sa porma

Ka Tunying naniniwalang magaling na ang anak na may leukemia: Siya ang pinakadakilang Manggagamot!

Ka Tunying sa paggaling ni Zoey: Sa Panginoong Diyos kami nagtiwala, gumawa Siya ng himala!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending