Mga nakakalokang pasabog sa ‘Tune In Kay Tunying, Live!’ bentang-benta sa socmed
ISANG bagong digital program ang sikat na sikat na ngayon sa online world.
Milyun-milyon ang views ng programang “Tune In Kay Tunying, Live!” (TIKTLive) sa YouTube ng beteranong broadcast journalist na si Anthony “Ka Tunying” Taberna dahil sa mga pasabog na balita.
Mula sa unang episode noong Agosto, ilang prominenteng personalidad na ang naging panauhin ni Ka Tunying sa kanyang show.
Kabilang na riyan ang dating pulis na si Willie Gonzales na sangkot sa viral road rage video kasama ang isang siklista; ang bilyonaryong si Ramon Ang, na lubhang kinagiliwan ng publiko dahil sa kanyang pagiging simple at prangka; at sina Defense Secretary Gilbert Teodoro at Executive Secretary Lucas Bersamin, dalawang respetadong opisyal sa kasalukuyang administrasyon na nagpakawala ng mga juicy soundbites na agad lumanding sa mga pahayagan, newscasts at websites.
Gamit ang kanyang 31 taong karanasan bilang mamamahayag, nakukuha ni Ka Tunying ang mga pinaka-natural at nakakatuwang mga sagot mula sa kanyang mga big-time na panauhin, kaya naman nailalapit niya ang mga ito sa viewers na ang tingin sa kanila ay nasa pedestal.
Bukod sa exclusive interviews, mapapanood din sa “TIKT Live!” ang iba pang makabuluhan at nakakaaliw na segments gaya ng “All Access” na tungkol sa mga kwento ng tagumpay, “At The Moment” na tumatalakay sa mga dinadayong pasyalan at kainan, at “Payong Kapatid” kung saan nagbibigay si Ka Tunying ng kanyang mga opinyon tungkol sa mga napapanahong isyu.
Ang “TIKT Live!” ay mapapanood din sa Facebook Page ni Ka Tunying (Anthony Taberna), kung saan mayroon siyang 2.3 million followers. Ang kanyang YouTube channel naman ay may higit kalahating milyong subscribers na.
Kaya naman huwag nang pahuli sa mga pasabog na balita ni Ka Tunying. Abangan ang bagong “TIKT Live” episode ngayong Huwebes, October 12.
Ka Tunying never humingi ng tulong sa pamilya Marcos para sa medical bill ng anak
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.