Banat ni Ka Tunying sa nagkakagulong navigation system: Wala bang magre-resign d’yan?
NAGSALITA ang news anchor na si Anthony “Ka Tunying” Taberna patungkol sa naganap na kapalpakan sa navigation system ng mga eroplano kamakailan na sanhi ng pagka-delay ng flights ng napakaraming pasahero.
Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang kanyang obserbasyon at dapat raw ay may mabagot sa nangyaring aberya.
View this post on Instagram
Libo-libong mga pasahero ng domestic at international flights ang na-stranded sa Ninoy Aquino International Airport sa unang araw ng 2023 dahil kinailangang ayusin ng aviation security officials ang nangyaring technical glitches.
“Sa pumalpak na Air navigation System.. Hindi sapat ang sorry dito. Wala bang magre-resign dyan? Wag na sanang hintayin na sibakin pa! Anak ng bakang dalaga!” saad ni Ka Tunying.
Marami naman sa mga netizens ang talagang naka-relate at hindi napigilang magbigay komento sa nangyaring aberya sa paliparan.
“Tama po kayo Ka Tunying. nakakahiya, unang araw ng taon palpak kaagad sana naman unahin muna yung mahalaga para hindi tayo nakakahiya sa mga ibang bansa,” comment ng isang netizen.
Sey naman ng isa, “Hindi lang pag resign ng naka upo ang kailangan. The airlines didn’t compensate the passengers, they are saying it wasn’t their fault. The government should compensate the passengers may they be local or international travelers.
Yan ang hirap sa bansa natin pag malaki na ang magiging expense. NOBODY IS TAKING THE BIG RESPONSIBILITY FOR ITS PEOPLE…”
“WTF grabee perwisyo nito peak season pa naman pa what a start sa new year sobrang nakakahiya eto graceful exit na lang sa mga me kasalanan,” comment naman ng isa.
Sa ngayon ay unti-unti nang nagiging normal ang mga flights ayon sa Manila International Airport Authority ngunit ayon sa ilang airlines, magkakaroon pa rin ng delays hanggang Huwebes.
Related Chika:
Ka Tunying sa mga ‘kakampink’: Wala kayong kadala-dala!
Ka Tunying inaming napakalaki ng talent fee sa ALLTV; tinanggihan ang offer na tumakbong senador
Ka Tunying never humingi ng tulong sa pamilya Marcos para sa medical bill ng anak
Ka Tunying naniniwalang magaling na ang anak na may leukemia: Siya ang pinakadakilang Manggagamot!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.